HomeCelebritiesKapatid ni Jovelyn Galleno, naiyak dahil pinagkakakitaan ang kanyang ate: "Sana tigilan...

Kapatid ni Jovelyn Galleno, naiyak dahil pinagkakakitaan ang kanyang ate: “Sana tigilan na po”

Naiyak na lamang si Jocelyn Galleno, kapatid ng nawawalang graduating student na si Jovelyn Galleno dahil sa may ilan diumanong indibidwal ang pinagkakakitaan pa ang kanyang ate.

Sa panayam sa kanya, nakiusap si Jocelyn sa mga content creators na huwag na sana pang gamitin ang pagkawala ng kanyang ate para kumita ng salapi.

“Nawawala na nga ang ate ko, pagkakakitaan pa nila kami,” sabi ni Jocelyn. “Personally, kailangan din namin ng pera pero hindi namin ginawang content, hindi namin pinagkakitaan ‘yung pagkawala ng ate ko,”  

“Kaya sana tigilan na po kasi para sa amin ang sakit sakit,” dagdag niya pa.

Ang masakit pa daw sa kanila ay may ilang balita na kumakalat na itinatago lamang nila si Jovelyn at matagal na daw itong nakita ngunit itinanggi nila ito.

Ayon sa kanila ay hindi nila itatago sa publiko kung makita man nila si Jovelyn.

“Kung nakita na namin si ate or nakipagtanan siya ay ipaglalantaran namin sa lahat ng tao,” sabi ni Jocelyn.

Matatandaan na ilang content creators sa social media ang ginamit ang pagkawala ni Jovelyn upang makakuha ng mga bagong followers sa social media.

Sa ngayon ay hindi parin nakikita ng mga otoridad si Jovelyn at pinangangambahan na ng mga netizens kung buhay pa ba ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular