HomeCelebritiesDriver ng multicab na huling nasakyan ni Jovelyn Galleno, natatakot na sa...

Driver ng multicab na huling nasakyan ni Jovelyn Galleno, natatakot na sa kanyang buhay

Natatakot na para sa kanyang buhay ang driver ng multicab na huling nasakyan ni Jovelyn Galleno bago ito mawala noong Agosto 5.

Sa panayam sa kanya ng Bandera News, nakiusap si alyas ‘Cardo’ sa mga netizens at sa mga residente ng Puerto Princesa na huwag naman kagad siyang sisihin sa nangyari kay Jovelyn.

Ayon sa kanya ay mayroon siyang pamilya na pinagtatrabahuhan kaya naman hindi niya magagawa na pag-isipan ng masama ang kanyang mga pasahero.

Sa ngayon din daw ay apektado na ang kanyang trabaho bilang multicab driver dahil sa nakakatanggap na siya ng pagbabanta mula sa mga kamag-anak ni Jovelyn at sa mga netizens na nakikisawsaw sa isyu.

“Gusto kong ipaalam sa kanila na nasakyan lang ako pero sa may ginawa, hindi ko maatim ‘yun kasi may pamilya rin ako, may anak din ako,” ani Cardo.

Sinabi niya pa na kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng bad record kaya’t imposible ang ibinibintang sa kanya.

Ayon sa kanya ay naharang na siya ng taumbayan dahil sa ipinipilit na siya ang kumuha kay Jovelyn.

“Wala naman akong kinalaman diyan at wala naman eyewitness diyan, pero naiintindihan ko kasi ako ‘yung nasakyan,” sabi ng multicab driver.

Nakiusap naman ang LGU ng Puero Princesa na huwag ilagay sa kanilang kamay ang batas at huwag husgahan basta basta si Cardo dahil sa patuloy pa naman ang imbestigasyon tungkol sa nangyari.

Sa ngayon ay hindi parin nakikita ng mga otoridad si Jovelyn at ang pagsakay nito sa multicab ang huling CCTV footage na kanilang nakita.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular