HomeSocial MediaSec. Erwin Tulfo, nakiusap sa netizens na huwag munang pumunta sa Central...

Sec. Erwin Tulfo, nakiusap sa netizens na huwag munang pumunta sa Central Office nila matapos dumugin ang pamimigay ng educational assistance ngayong araw

Dinumog ang pamimigay ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga opisina nila sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa DSWD ay mamimigay sila ng ayuda depende sa kasalukuyang educational attainment ng beneficiary.

₱1,000 para sa elementarya, ₱2,000 para sa high school, ₱3,000 para sa senior high school at ₱4,000 para sa kolehiyo o vocational students.

Hanggang tatlo kada pamilya ang maaring makatanggap ng assistance.

Sa mga post na ibinahagi ng mga netizens ay madaling araw pa lamang ay nakapila na ang mga tao sa mga opisina ng DSWD at umaasa na makakakuha sila ng ayuda na makakatulong para makabili ang mga anak nila ng gamit sa darating na pasukan.

At matapos mag-umpisa ang pamimigay ng educational assistance ay makikita na siksikan na ang mga tao sa harapan ng Central Office ng DSWD.

Dahil sa dami ng tao ay mayroong matanda na nawalan ng malay dahil narin sa siksikan na naganap.

Nakiusap naman ang DSWD na mas mainam na magparehistro muna sila gamit ang QR code na kanilang ibinahagi bago sila pumunta sa mga opisina nila upang maiwasan ang siksikan.

“Antayin naman ang text confirmation mula sa DSWD para sa petsa at oras kung kailan papapuntahin dito sa Central Office. Huwag rin mag-alala dahil anim (6) na Sabado o hanggang September 24 tatagal ang Educational Assistance Payout ng DSWD.” sabi ng DSWD sa kanilang pahayag.


Sinabi naman ni Tulfo na sapat ang pondo ng DSWD para sa educational assistance. kahit na dinumog sila ng tao.

“Ako po ay nakikiusap sa mga tao, wag na po kayong tumuloy dito sa [DSWD Central Office]  kasi marami pong tao, mayroon pa naman pong next Saturday, hanggang September 24 pa naman po ito,” ani Tulfo.

“Wag po kayong kabahan, kung kailangan magdagdag ng pondo magdadagdag ako para ma-accommodate ko lahat,” dagdag niya pa.

Ipinaliwanag naman niya na nag-cut off sila upang maagang makauwi ang mga beneficiary.

Ayon sa kanya ay nasa 5,000 ang pumunta sa kanilang central office kaya’t maaga na silang nag cut off upang hindi na magkaroon pa ng siksikan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular