HomeCelebritiesIsang pari, sinagot ang hamon ni Darryl Yap na gawing libre ang...

Isang pari, sinagot ang hamon ni Darryl Yap na gawing libre ang Catholic schools: “Magdonate ka.”

Sinagot ni Father Benny “Nongnong” Tuazon ang hamon ni Direk Darryl Yap sa Simbahang Katoliko na gawing libre ang kanilang mga pribadong paaralan para sa mahihirap.

Nitong Agosto 17, hinamon din ni Yap ang pinakamalaking relihiyon sa bansa na ipantay sa pasweldo ng gobyerno ang mga guro nila sa mga private schools na hawak nila.

“Kung talagang gusto ninyong tumulong sa mahihirap; gawin n’yong libre ang mga Catholic Private Schools at ipantay n’yo sa public ang suweldo ng mga guro ninyo. Yun, ang tunay na malasakit,” ani Yap.

Ngunit sinagot ito ni Tuazon at sinabi na kung gusto ni Yap na maging libre ang mga private school ng Katoliko ay kailangan niyang magbigay ng donasyon.

O maari daw na ang gobyerno ang magbigay ng tulong sa mga Catholic schools para maging libre ito.

“Bakit daw hindi gawing libre ang Catholic schools? Hmmm. Patulan natin. Gusto mong libre ang Catholic schools? Magdonate ka. If not, let part of the taxes paid to government be given as support to Catholic schools.” ani Tuazon.

Nagbigay naman kagad ng tugon si Yap at sinabi ni Tuazon.

“Luh. Father, di na nagbabayad ng tax, nag-uutos pa magdonate? Dagdag commandment? Moses? Ikaw ba ‘yan?” aniya.

Nilinaw naman ng pari na nagbabayad sila ng buwis.

“Nagbabayad kami ng tax sa tubig, kuryente, telepono, pagkain, bank deposits, gasolina, appliances, cleaning materials, restaurants, semento, kahoy, groceries, kandila, uling, alak, insenso, tela, langis, gaas, sabon, internet, atbp. Gusto mo ng resibo?” paliwanag ng pari.

Hindi rin diumano tinatakasan ng simbahan ang mga buwis na itinakda ng Bureau of Internal Revenue para sa kanila.

“Linawin po natin. Kung may itinatakdang mga buwis sa Simbahan ayon sa batas, binabayaran po. Di po palulusutin yan ng BIR. Di po tinatakbuhan ng Simbahan ang pananagutan sa buwis. Sana all, di ba?” wika ng pari.

“Baka lang nagkakalimutan. may 203B (and counting) na dapat singilin.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular