HomeSocial MediaIsang netizen, nagbigay ng konklusyon sa panayam sa driver ng multicab na...

Isang netizen, nagbigay ng konklusyon sa panayam sa driver ng multicab na huling sinakyan ni Jovelyn Galleno

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging panayam sa driver ng multicab na huling nasakyan ni Jovelyn Galleno bago ito maiulat na nawawala noong Agosto 5, 2022.

Sa panayam ni ‘Jumong The Great’ iginiit ng driver ng multicab na wala siyang naalala kung naisakay niya nga ba si Jovelyn dahil sa bago siya tanungin ng PNP ay isang linggo na ang nakakalipas matapos ang insidente.

Ang naalala niya lamang daw sa mga araw na ‘yon ay pinutol niya ang aktwal na ruta niya dahil sa wala na siyang pasahero ngunit hindi niya na matandaan kung sino sino nga ba ang mga huling sumakay sa kanya.

Isang netizen naman ang nagbigay ng kanyang konklusyon matapos mapanood ang buong panayam.

Sa kanyang post, inisa isa ni Zepoy Majadas ang mga sinabi ng driver.

Ayon sa kanya ay kung ihahatid pa ng driver si Jovelyn sa kanyang bababaan sa Barangay Sta. Lourdes ay aabot ng 8-10 minuto ang magiging biyahe nito.

Ngunit ayon sa mga CCTV footages ay umabot lamang ng 7 na minuto ang biyahe ng nasabing multicab papunta at pabalik.

“Ibig sabihin po ay 7 Minutes lamang ang oras na binyahe ng Multicab Driver papunta at pabalik mula GSMAXX. Kung binaba po si Jovelyn Galleno sa kanilang lugar mismo ay aabot pa ng 16-20 Minutes ang byahe (back and fort) o nasa 7:23PM-7:27PM pa sana bago makakabalik yung Multicab Driver mula sa GSMAXX ngunit masyadong mabilis ang oras ng kanyang byahe pabalik upang makarating ito kaagad sa GSMAXX ng Bandang 7:14PM.” ani Majadas.

“Isa lamang po ang ibig sabihin nun. Si Jovelyn Galleno po ay hindi binaba sa Kanilang Lugar sa Sta. Lourdes Pulanglupa bagkos siya po ay Binaba lamang sa Tagburos Aplaya which is Tugma naman po sa Oras (7 Minutes) ng pag-alis at pagbalik ng Multicab Driver ayon sa nakuhang CCTV Footage ng GSMAXX.” dagdag pa niya.

Tugma naman ito sa sinabi ng driver na pinutol niya na ang kanyang biyahe dahil wala na siyang masyadong sakay noong mga oras na ‘yon.

Inamin din niya na mayroon siyang naalala na mga pasahero niya na bumaba sa Tagburos Aplaya ngunit hindi niya sigurado kung kasama si Jovelyn sa mga bumaba doon.

“Ang labis kong pinagtataka is Bakit doon binaba si Jovelyn Galleno sa Tagburos Aplaya e di naman doon yung bahay nila. Hindi din daw alam ng Multicab Driver talaga yung buong pangyayari sa araw na iyon dahil daw sa dami ng Pasahero niya.” sabi niya.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang PNP kung ano na ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular