HomeCelebritiesGrace Lee, ibinunyag sa unang pagkakataon ang 'trauma' na naranasan niya ng...

Grace Lee, ibinunyag sa unang pagkakataon ang ‘trauma’ na naranasan niya ng maka-date si Noynoy Aquino

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang Korean TV host na si Grace Lee kung gaano katindi ang trauma na kanyang naranasan ng siya ay makipag-date kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Matatandaan na inamin noon ni Lee na nag-date sila ni Aquino noong 2012 ngunit umabot amang ito ng anim na buwan.

Umasa pa daw siya na madadala siya sa altar ng dating pangulo ngunit hindi niya inaasahan na magiging matindi pala ang trauma na ibibigay sa kanya ng pakikipag-date niya kay Aquino.

noynoy grace lee 2.webp

Sa panayam sa kanya ng PEP, sinabi ni Lee na mabait namang tao si Aquino ngunit ang naging problema niya ay ang matinding publicity na kinaharap niya.

“Hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay sa buhay. Hindi ko iyon pinagsisihan dahil mabuti siyang tao. It was just… Hindi ko gusto ang publicity.” ani Lee.

“Isa sa mga bagay na kinaiinisan ko sa bahaging iyon ng aking buhay, na lubhang nakaka-trauma para sa akin, ay ang pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa aking pribadong buhay,” dagdag niya pa.

screencap 2022 08 20 at 5.03.34 AM
Larawan mula sa Instagram ni Grace Lee (@gracelee_1004)

Inamin ni Lee na mas maganda ang relasyon nila noon ni Aquino noong hindi pa nalalaman ng publiko ang tungkol sa kanila.

“And I actually felt bad for him also because he also felt bad about it, pero wala rin siyang magawa. Siya ang pangulo ng bansa,” aniya.

Matapos mabigo ang kanilang dating relationship ay nangako na si Lee na hindi na siya muli susubok na makipag-relasyon sa mga high profile na tao.

Ayon kasi sa kanya ay pinakaayaw niya ang pinapakialaman ng ibang tao ang kanyang personal na buhay.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular