HomeCelebritiesGaspar Maneja Jr. humingi ng paumanhin sa kanyang mga kamag-anak imbis na...

Gaspar Maneja Jr. humingi ng paumanhin sa kanyang mga kamag-anak imbis na sa pamilya ng kanyang biktima

Naniniwala ang ina ng 15-anyos na siklista na si Princess Marie Dumantay na hindi lamang iisa ang gumawa ng masama sa kanyang anak.

Sa panayam sa kanya ng 24-Oras, sinabi ni Perlita Conde na mayroon siyang ‘kutob’ na hindi lamang si Gaspar Maneja Jr. ang nasa likod ng nangyari sa kanyang anak na nakitang wala ng buhay sa Bulacan.

“Bilang magulang, sa aking pakiramadam, hindi lang ito nag-iisang gumawa sa anak ko alam kong mayroong kasama itong gumawa sa anak ko. Alam mo, konsensya mo ‘yung ginawa mo sa anak ko,” ani Conde.

Nagpasalamat naman si Mrs. Conde dahil sa mabilis na pagkakahanap ng mga otoridad sa isa sa mga suspek.

Ayon sa report ng pulisya ay nakilala ni Princess ang suspek sa isang grupo ng mga bikers at ilang beses din siyang nakitang kasama si Maneja sa loob ng sasakyan nito.

Samantala ay humingi rin ito ng paumanhin sa kanyang mga kamag-anak na apektado na ng kinakasangkutan niyang kaso.

Nangako naman ito na makikipagtulungan siya sa mga otoridad sa pag-iimbestiga.

“Siguro po hingi muna ako ng tamang taong maga-ano sakin kung ano po ang tamang gawin. Magulo rin po ang sitwasyon ko ngayon. Pasensya na po. Makikipag-cooperate po ako. Sasabihin ko naman yung tama at totoo po,” aniya.

Matatandaan na noon pa pala mayroong kaso si Maneja at nagtago na lamang ito sa pangalang Jose Francisco Santos.

Sa ngayon ay haharap sa patong patong na reklamo si Maneja at kung mapatunayan ay wala ng pag-asa na makalabas sa selda habambuhay.
 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular