HomeCelebritiesCitizen Duterte, kumain ng Durian kasama sina Bato at Go sa Kadayawan...

Citizen Duterte, kumain ng Durian kasama sina Bato at Go sa Kadayawan Festival

Tila hindi parin kumukupas ang pagmamahal ng mga netizens kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil marami paring nakikibalita sa kalagayan nito.

Sumaya naman ang mga fans ni Duterte matapos ipakita ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ilang larawan niya kasama ang dating pangulo at si Sen. Christopher “Bong” Go habang sila ay kumakain ng Durian bilang parte ng Kadayawan Festival 2022.

“Midnight snacks at Durian Park. Native Durian for native Davaeños. Happy Kadayawan Festival!” ani Sen. Bato

Kahapon, Agosto 19 ay nakita rin si Duterte na naglilibot muli gamit ang kanyang motorsiklo sa Davao City.

Makikita na tumigil sa harap ng Davao City Hall ang dating Pangulo kung saan siya nagsilbi ng ilang dekada bilang alkalde.

Ilang netizens naman ang may hiling sa dating pangulo ngayong siya ay isa ng citizen.

“I miss Tatay Digong lalo na yung mga banat nyang pang asar nakakatawa,” sabi ni netizen Ann Lee.

“Blessed evening po our PRRD! We miss you po Sir! You became an inspiration with fear but complete!,” wika ni Davy To.

“A GREAT LEADER!.. Period! Nakaka Miss si Tatay Digs, gusto ko kasi mag speech may halong galit at kwela, seryoso po kasi ako makinig sa kanya pag galit na sya mag salita pero lakas ng tawa ko pag kwela na syaag salita  kung pwede lang sana sya Maextend eh no?” komento ni Sespene Vincent.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular