HomeCelebritiesArnold Clavio, pabor ang pagbabawal sa pagsingit ng motor sa trapik: "Saksi...

Arnold Clavio, pabor ang pagbabawal sa pagsingit ng motor sa trapik: “Saksi ako sa napakadaming kamote rider!”

Pabor na pabor ang mamamahayag na si Arnold Clavio na pagbawalan ang mga motor na  sumingit sa pagitan ng dalawang sasakyan maliban na lamang kung sila ay nag-o-overtake.

Matatandaan na isinulong ni Pangasinan 5th district Representative Ramon Guico Jr. ang House Bill No. 1419 o ang Anti-Splitting Law of 2022 na magbibigay ng parusa sa mga rider na mahilig mag-lane splitting.

Ayon sa mungkahi ni Guico Jr. ay magbabayad ng P1,500 para sa first offense, P3,000 para sa second offense at P5,000 kasama na ang kanselasyon ng lisyensa kung gagawin pa ito ng motorista sa ikatlong pagkakataon.

Hindi naman mapigilan humanga ni Clavio sa nagpasa ng batas na ito.

arnold clavio car.webp

“Kung sinumang mambabatas ang nasa likod ng House Bill 1419 o ang Anti Lane Splitting Law, nakupo ay sasambahin kita.” ani Clavio.

Kwento kasi ni Clavio ay saksi siya sa pagdami ng mga ‘kamote rider’ lalo na’t siya ay laging nagmamaneho sa Kamaynilaan.

“Sa araw-araw na laman ako ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila , saksi ako sa napakaraming kamote rider.” sabi ng mamamahayag.

“Pasingit-singit, dumadaan sa Bus Carousel, walang kortesiya, reckless driving at marami pang iba.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din ni Clavio na nitong nakaraang Huwebes lamang ay nabiktima siya ng “kamote rider” at tinakbuhan siya ng nasagi ang kanyang kotse.

“Nitong Huwebes ng gabi, ako mismo ay biktima ng kamote rider. Bigla na lang may tumunog sa kaliwang likuran ng aking sasakyan. Pagsilip ko sa side mirror, nakita na nakahilig na siya. Agad kong binuksan ang aking bintana para kamustahin kung ok siya. Aba biglang kumaripas ng takbo ang hinayupak.” kwento ni Clavio.

“Nagresulta ng gasgas at dent ang katangahan ni kamote rider. Siyempre solong kargo ko ang gastos sa pagpapagawa. Sa akin, isang paumanhin lang naman ay sapat na para ipagpalipas ang anumang kasalanan mo. Pero ang takbuhan mo ang isang pananagutan, yan ay maliwanag na pagtalikod sa road courtesy.” dagdag niya pa.

Hiling ni Clavio ay sana’y mapabilis ang pagpapasa ng nasabing batas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular