HomeSocial MediaSuspek na dumukot at tumapos sa buhay ng 15-anyos na siklista, nahuli...

Suspek na dumukot at tumapos sa buhay ng 15-anyos na siklista, nahuli na matapos ang siyam na araw na pagtatago

Matagumpay na natunton at nahuli ng mga otoridad ang suspek sa pagtapos sa buhay at panghahalay sa isang 15-anyos na siklista sa Bulacan.

Nakilala ang suspek na si Gaspar Madredano Maneja Jr. o mas kilala bilang Jose Francisco Santos na natagpuang nagtatago sa Pamplona, Camarines Sur.

Sasampahan ng patong patong na reklamo si Maneja dahil sa kanyang ginawang karumal-dumal sa biktima na si Princess Marie Dumantay.

image 1

Ayon sa otoridad ay huling nakita ang biktima na sumakay sa kotse ng suspek.

“‘Yung huli pong araw na nakita siya, which is August 10, ay nakita po siya ng kaniyang mga kakilala doon sa area kung saan siya madalas na nagbibisikleta na sumamang kusa dito sa suspek at sumakay sa kanyang sasakyan. At doon na-identify ‘yung na-establish nating identity nitong tao na ito,” ¬†ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Matatandaan na mayroong senyales na pinahirapan muna ng suspek ang biktima dahil sa mga nakitang paso sa kanyang katawan.

Nakita na lamang sa damuhan sa may bypass road sa Bustos, Bulacan ang katawan ng biktima.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ng suspek tungkol sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular