HomeCelebritiesMatapos ma-comatose, Atty. Bruce Rivera bumubuti na ang kalagayan

Matapos ma-comatose, Atty. Bruce Rivera bumubuti na ang kalagayan

Isang buwan matapos itong ma-comatose dahil sa aneurysm, malugod na ibinalita ni netizen MJ Quiambao Reyes na bumubuti na ang kalagayan ni Atty. Bruce Rivera.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Reyes na matapos ang isang buwan sa Intensive Care Unit (ICU) ay inilipat na sa normal na kwarto si Rivera na senyales na bumubuti na ang kalagayan nito.

Hindi lahat ng nagkakaroon ng aneurysm ay nakakaligtas sa kondisyon kaya naman maituturing na isang himala ni Reyes ang nangyari sa kanyang kaibigan.

“Finally and after 1 month in ICU, our dear friend Bruce will be transferred na from ICU to private room, Bruce is now responsive and in a more stable condition.” ani Reyes.

“Thank you, Lord, for the miracle. Indeed, what is impossible for men is possible with God.” dagdag niya pa/

Matatandaan na noong Hulyo 20 ay isinugod sa ospital sa Rivera na wala ng malay dahil sa aneurysm.

Inulan naman ng tulong si Rivera mula sa mga netizens at mga kapwa niya influencer.

Sumalang din sa surgery ang abogado at maituturing na tagumpay ang mga doktor sa kanilang ginawa.

Sa ngayon ay inaabangan ng mga netizens ang muling paglabas sa publiko ni Rivera matapos ang mahimala niyang pagkakaligtas sa kondisyon niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular