HomeSocial MediaLalaki na dinukot sa isang gasolinahan sa Batangas, nakitang wala ng buhay...

Lalaki na dinukot sa isang gasolinahan sa Batangas, nakitang wala ng buhay sa Quezon Province

Wala ng buhay ng makita ang lalaki na nag-viral sa social media matapos siyang makita habang dinudukot ng isang grupo sa isang gasolinahan sa Taal, Batangas nitong Agosto 16.

Natagpuan sa gilid ng kalsada sa Sariaya Quezon ang labi ng lalaki na nakilalang si Eugene Beltran Del Rosario na taga Lemery Batangas.

Nakatali pa ang kamay at nakabalot ng packaging tape ang buong mukha niya ng makita ito ng mga otoridad.

Sa video na ibinahagi ni Celyn Isniraji ay makikita pa ang pagdukot kay Del Rosario at maririnig pa sa CCTV ang paghingi nito ng tulong.

Ngunit dahil sa dalawang sasakyan at napakadami ng dumukot sa kanya ay walang nangahas na tulungan siya.

Mapapansin din na napakabilis ng pangyayari na tila planado na ng mga suspek ang kanilang gagawin.

Wala ring plaka ang dalawang sasakyan kaya’t mahirap matukoy kung sino ang may-ari nito.

Makikita na lahat ng tao sa paligid ng gasolinahan ay nagtakbuhan kahit ang mga gasoline boy.

Sa ngayon ay tinitignan pa ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan kung bakit dinukot ang biktima at bakit kinalailangan na madami ang kumuha sa kanya.

Ayon naman sa asawa ng biktima ay kabababa lamang nito ng bus galing sa Maynila ng siya ay kunin.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular