HomeCelebritiesGerald Anderson, isa sa mga biktima ng 'Bukas Kotse Gang': "

Gerald Anderson, isa sa mga biktima ng ‘Bukas Kotse Gang’: “

Isa sa mga trending na pinag-uusapan ngayon sa social media ay ang ‘Bukas Kotse Gang’ matapos madawit ang pangalan ng grupo sa nangyaring pagkuha sa isang lalaki sa gasolinahan sa Batangas nitong Martes.

Matatandaan na wala ng buhay ng makita ang biktima na si Eugene Del Rosario ilang araw matapos itong sapilitan kunin ng isang grupo gamit ang dalawang sasakyan.

Nakunan ng CCTV ang mabilis na pangyayari at ang paghingi ng tulong ni Del Rosario habang ipinapasok siya sa sasakyan.

Ayon sa PNP ay dating miyembro si Del Rosario ng Bukas Kotse Gang kaya’t naging usap-usapan sa social media ang nasabing grupo.

Isa sa mga nabanggit ng mga netizens ay ang aktor na si Gerald Anderson na isa sa mga pinakakilalang nabiktima ng grupo.

Nitong Pebrero lamang ay nakita pa sa CCTV ang ginawa ng nasabing grupo sa kotse ni Anderson na naka-park sa mataong lugar.

“Ang lalakas talaga ng loob [nila],” sabi ng aktor ng makita sa CCTV ang mga suspek na ginawa ang kanilang modus sa kasikatan ng araw.

Nakuha sa aktor ang ilang alahas, relo, credit card at kanyang mga gadgets.

Nahuli naman ng mga otoridad ang lahat ng suspek.

May mensahe naman ang aktor sa mga netizens.

“I want to make this an awareness para sa lahat ng tao na huwag talagang mag-iwan ng bag sa loob ng kotse nila,” aniya.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung ang nasabing grupo ba na dumukot kay Del Rosario ay ang parehas na grupo na nambiktima kay Anderson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular