HomeCelebritiesPNP, nakiusap na huwag asahan ang mga 'manghuhula' sa pagresolba ng kaso...

PNP, nakiusap na huwag asahan ang mga ‘manghuhula’ sa pagresolba ng kaso ni Jovelyn Galleno

Nakiusap ang PNP Palawan sa mga netizens na huwag basta basta maniniwala sa mga ‘manghuhula’ na nakikisakay sa isyu ni Jovelyn Galleno.

Matatandaan na ilang manghuhula o tarot card readers ang nakisakay sa kaso ni Jovelyn at sinubukan diumano nilang alamin kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng dalaga na naiulat na nawala noong Agosto 5.

Isa ang manghuhula na si Jay Costura na binasahan ng baraha ang pamilya ni Jovelyn upang malaman kung ano ba ang nangyari sa dalaga.

Ilan sa mga impormasyon na diumano’y nabasa ni Costura ay:

  • Posibleng nasa Palawan parin si Jovelyn
  • Sapilitan siyang isinama ng mga hindi nakikilalang salarin
  • Mayaman ang taong pilit isinama ang dalaga
  • May kasama diumanong babae si Jovelyn
  • Hindi inggit ang naging dahilan ng pagkawala niya

Nguni ayon sa Palawan PNP ay nakakagulo lamang ang mga nasabing manghuhula katulad ni Costura a imbestigasyon.

Mas mainam daw na mas maniwala ang tao sa mga CCTV footages imbis na sa mga baraha sila magbase.

Sa panayam ng Bandera, sinabi ni PCapt. Victoria Carmen Iquin na naghahanap pa sila ng mga karagdagang CCTV footages na posibleng nakakuha sa pagbiyahe ni Jovelyn pauwi sa kanilang bahay.

Sinabi rin nila na mayroon na silang mga naipong ebidensya na hindi maaring ipakita sa publiko hangga’t hindi pa nareresolba ang kaso.

Nangako ang PNP na hindi sila magpapa-apekto sa haka-haka na pinapakalat ng ilang manghuhula sa social media habang sila ay nag-iimbestiga.

Sa mga nakalap na CCTV footages ay kumpirmado na nakalabas ng mall si Jovelyn at sumakay sa isang sasakyan.

READ MORE: Multicab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno bago ito mawala, ipinakita na sa publiko

Ngunit itinanggi ng driver ng multicab na may kinalaman siya sa pagkawala ng dalaga.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular