HomeCelebritiesMulticab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno bago ito mawala, ipinakita na...

Multicab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno bago ito mawala, ipinakita na sa publiko

Unti unti nang nagbibigyang linaw kung ano nga ba ang nangyari sa graduating student na si Jovelyn Galleno bago ito maideklarang nawawala nitong Agosto 5.

Sa tulong ng mga bagong CCTV footages ay nakumpirma na nakalabas ng mall sa Jovelyn Galleno 6:52 PM at makikita na sumakay sa isang multicab ganap na 6:56 ng gabi.

mall 1
Makikita sa CCTV footage si Jovelyn Galleno habang papasok ito sa nasabing mall

Kinumpirma ng pamilya ni Jovelyn na ang babae na sumakay sa nasabing multicab ay ang nawawalang dalaga.

Taliwas ito sa sinabi ng mga otoridad na sumakay sa isang sedan si Jovelyn.

Ayon rin sa ulat ng Palawan Star ay nahanap narin ng mga otoridad ang driver ng multicab at sinabi na hindi niya maalala kung naisakay niya nga ba ang dalaga.

Hindi pa makakuha ng ebidensya ang mga otoridad kung may kinalaman nga ba ang driver ng multicab sa nangyari.

Ang nanatili na lamang misteryo ngayon ay kung saan bumaba si Jovelyn at saan ito pumunta ng gabing ‘yon.

298770111 441625788027133 2370805182684149441 n
Ang multicab na huling sinakyan ni Jovelyn bago siya madeklarang nawawala

Sa ngayon ay patuloy parin ang paghahanap ng mga otoridad ng mga impormasyon na maaring makapagturo sa kanila sa kinaroroonan ni Jovelyn.

Hinimok naman ng pamilya Galleno ang mga netizens na huwag ng mag-imbento pa ng kung ano anong impormasyon dahil sa ginugulo lamang nila ang imbestigasyon.

Matatandaan kasi na may ilang netizens ang gumagawa ng account gamit ang pangalan ni Jovelyn upang magpanggap na sila ang dalaga para humingi ng tulong.

May ilan din na ginagamit ang Google Maps para gumawa ng diumano’y lokasyon ni Jovelyn.

Pinaalalahanan ng mga eksperto ang mga netizens na kahit sino ay maaring gumawa ng market sa Google Maps.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular