HomeCelebritiesArnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer na nasa likod ni 'Arn...

Arnold Clavio, nagdadalamhati sa pagpanaw ng puppeteer na nasa likod ni ‘Arn Arn’: “Parang may part of me na nawala”

Hindi naitago ng mamamahayag na si Arnold Clavio ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Danilo ‘Totong’ Federez na nasa likod ng sikat na sikat na puppet na si ‘Arn Arn’.

Kinumpirma ng pamilya Federez sa kanilang Facebook post na pumanaw na ang kanilang haligi ng tahanan sa edad na 62-anyos.

“I love you, daddy. With God’s grace we’ll see each other again. Salamat sa Dios.” sabi ni Maris Montemayor Federez, asawa ng puppeteer.

Si Arn Arn ang itinuturing na alter-ego ni Clavio kaya naman hindi naitago ng mamamahayag ang kanyang pagkalungkot sa nangyari.

Ikinuwento rin niya kung gaano ka propesyonal sa trabaho si Federez at kung paano niya ingatan si Arn Arn.

“When I heard the sad news ng pagyao ni Danilo Federez o ‘Totong’ sa kanyang mga kaibigan , noong Miyerkules ng umaga , parang may part of me na nawala …” ani  lavio.

“Si ‘Totong’ ang kaluluwa ni Arnarn … Ang kanyang kanang braso ang nagpapagalaw sa kanyang bibig sa tuwing magsasalita …  Hindi biro ang trabaho ni Totong bilang ‘puppeteer’ …

“Ilang oras din siyang nakaluhod pero walang reklamo … Napaka-professional ni ‘Totong’ sa pagbibigay ng saya sa umaga sa loob dalawang dekada …

“Saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak … Galit siya pag nakikitang pinaglalaruan si Arnarn … He treated Arnarn na tila buhay na nilalang … May respeto maging sa pagpapalit nito ng damit kapag may shoot kami ng OBB …”

Sinabi naman ni Clavio na magiging parte ng kanyang alaala si Arn Arn.

Matatandaan na noong 2019 ay umalis na sa programa si Federez kasama ang kanyang puppet na si Arn Arn dahil sa kanyang kalusugan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular