HomeCelebritiesRita Avila, may komento sa larawan ng 'pasaway' na miyembro ng Eagles:...

Rita Avila, may komento sa larawan ng ‘pasaway’ na miyembro ng Eagles: “Everyone thinks entitled and act arrogantly”

Usap-usapan ngayon sa social media ang sasakyan na imbis na gumamit ng plaka ay ang inilagay sa likod ng kanyang sasakyan ay commemorative plate ng Fraternal Order of Eagles Philippines.

Sa ibinahaging post ng VISOR, makikita na ang nasabing sasakyan ay mayroon ding nakakabit na campaign sticker ng tambalang BBM-Sara na parehong nanalo ngayong halalan.

Isa si Father David Concepcion sa mga nagbigay ng komento sa nasabing larawan at nagtataka ito dahil ni conduction sticker ay walang makikita sa sasakyan sa larawan.

“Entitlement or plain arrogance? Where is the conduction sticker if not hiding anything?” ani Concepcion.

Sinagot naman ito ng aktres na si Rita Avila at sinabi na lahat nalang diumano ng tao ay tingin nila ay sila ay karapatan na magyabang.

screencap 2022 08 17 at 12.36.46 AM
Screencap ng comment section sa Visor

“That is the sad part of our lives now. Everyone thinks entitled and act arrogantly.” sabi ng aktres.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang nasabing grupo tungkol sa pasaway nilang miyembro.

Ang Fraternal Order of Eagles ay kilalang grupo na mayroong mga miyembro na matataas na opisyal ng gobyerno.

Ilan sa mga kilalang miyembro nito ay sina Dating Pangulong Rodrigo Duterte, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Vice President Sara Duterte, Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go, at Sen. Bato dela Rosa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular