HomeCelebritiesOgie Diaz, hinimok si Rep. Rodante Marcoleta na tigilan na ang ABS-CBN:...

Ogie Diaz, hinimok si Rep. Rodante Marcoleta na tigilan na ang ABS-CBN: “

May mensahe ang talent manager na si Ogie Diaz kay SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa gitna ng plano ng mambabatas na imbestigahan ang partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Sa kanyang pahayag, hinimok ni Ogie si Marcoleta na mag ‘move-on’ na ito at huwag ng pigilan pa ang partnership sa pagitan ng dalawang higanteng network.

Ayon sa talent manager ay sana’y maisip ni Marcoleta na marami ang mabibigyan ng trabaho ng partnership sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN at maaring mawala muli ito kung kokontrahin ito ng mambabatas.

news5

“Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw nyong tanggapin. Ngayong
bumili ng shares, me kuda pa din kayo. Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno. Ikaw ba sa-sagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo pag nangyari yung ayaw mo? Move on kana po.” ani Ogie.

Nitong Agosto 12 ay inanunsyo ng ABS-CBN nag-invest sila sa TV5 sa pamamagitan ng pagbili ng 6,459,393 primary common shares na magbibigay sa Kapamilya network ng 34.99 percent na total voting at outstanding capital stock sa TV5.

Dahil dito ay inaasahan na muli ng manunumbalik ang Kapamilya Network sa ilalim ng TV5.

Ngunit tila hindi basta basta papayag si Marcoleta na nanguna noon sa pangigisa sa ABS-CBN noong sinusubukan nilang kumuha ng prangkisa.

“Last week, the merger between ABS-CBN and TV5 was announced. I think it was met by public skepticism based on the initial requests of TV stations and radio stations, requiring comment from this representation. To be honest, I think the merger left a bad taste in the mouth. It leaves much to be desired,” ani Marcoleta.

Ayon sa kanya ay lumabag ang ABS-CBN sa batas at kailangan silang managot dito.

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular