HomeCelebritiesAbogado na nag-aral ng history sa UP, may mensahe kay Hipon Girl:...

Abogado na nag-aral ng history sa UP, may mensahe kay Hipon Girl: “Sa lahat ng taong inubos ko sa pag-aaral, ngayon ko lang nalaman na ang history pala ay katotohanan.”

May sarkastikong mensahe ang isang abogado sa pahayag ni Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ tungkol sa kasaysayan.

Sa panayam ni Karen Davila nitong Agosto 15, ibinahagi ni Budol kung ano nga ba ang opinyon niya tungkol sa pahayag ni ‘History is like tsismis’.

“Para sa akin napakasimple lang po, huwag na nating daanin sa kung anong explanation. Ang [history) po ay katotohanan, ang [tsismis] ay hindi totoo. Para sa akin, ang mga historian ay mga teacher na nagtuturo ng kasaysayan.” ani Hipon.

Sa kanyang post, idinaan na lamang sa biro ni Atty. Ahmed Paglinawan ang sinabing ito ni Budol ang kanyang pagkadismaya sa pahayag ni Hipon.

Ayon kasi kay Paglinawan ay nag-aral siya ng ilang taon ng history sa University of the Philippines, epistemology, ingles, Filipino at Espanol ngunit tila nasayang lamang daw lahat ng pinag-aralan niya dahil sa sinabi ni Hipon.

“Sa lahat ng taong inubos ko sa pag-aaral, ngayon ko lang nalaman na ang history pala ay katotohanan.” ani Paglinawan.

“Salamat sa babaeng ito at ako ngayon ay naliwanagan; at labis nang maalam. Di ko naman pala kinailangan aralin ang mga positivists, empiricists, verificationists at falsificationists; Nagsayang lang din pala ako ng oras na basahin si Kant, Wittgenstein, Rorty at Derrida; Walang kwenta naman palang iskolar ako ng bayan; Puro kalokohan lang naman pala yan.”

“Kasi ang Socratic Method lang pala ni Karen Davila ang magpapalutang ng ganap, wagas at dalisay na kaalaman. At ito ay: History=Katotohanan,” dagdag niya pa.

Ilang netizens din ang sinabihan si Hipon na huwag ng makisawsaw pa sa sensitibong usapan.

Wala pang tugon si Hipon sa mga pambabatikos na natanggap niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular