HomeCelebritiesVictor Consunji nagbakasyon sa gitna ng isyu nila ng asawang si Maggie...

Victor Consunji nagbakasyon sa gitna ng isyu nila ng asawang si Maggie Wilson: “Living my best life”

Ibinahagi ng negosyanteng si Victor Consunji ang kanyang pagbabakasyon sa isang exclusive island.

Ito’y sa gitna ng isyu sa pagitan nila ng kanyang asawa na si Maggie Wilson.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Consunji ang kanyang ligaya sa gitna ng pagbabakasyon niya.

“LivingMyBestLife” sabi ng negosyante.

consunji 3
Larawan mula sa Instagram ni Victor Consunji (@victorconsunji)

Sa isang Instagram post naman ay makikita na hindi mag-isa si Consunji sa kanyang pagbabakasyon.

Makikita sa ibinahaging larawan ng entrepreneur na si Rachel Carrasco na kasama nila si Consunji.

Kasama rin nila ang ABS-CBN at TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido.

victor consunji 1
Larawan mula sa Instagram page ni Rachel Carrasco

Kinumpirma naman ni Fullido na nasa Amanpulo sila na isa sa mga pinakamahal na resort sa Pilipinas.

screencap 2022 08 16 at 4.09.20 AM

Nagbahagi rin ito ng ilang mga larawan kasama na ang kanilang mga mamahaling pagkain katulad ng steak at lobster.

gretchen fullido

Matatandaan na naging matunog ang pangalan ni Consunji matapos niyang kasuhan ng adultery si Wilson dahil diumano sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang business partner na si Tim Connor.

Gumanti naman si Wilson at inakusahan ang kanyang asawa na mayroon narin namang ibang karelasyon at nalaman niya na tumitira rin ito sa isa sa mga conjugal property nila.

Wala pang sagot si Consunji sa mga akusasyon laban sa kanya ni Wilson at tila wala itong balak na maglabas ng pahayag sa publiko tungkol sa isyu nila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular