HomeCelebritiesNapuno na ang salop! 'Green Soldier' nambatok diumano ng turista sa Baguio

Napuno na ang salop! ‘Green Soldier’ nambatok diumano ng turista sa Baguio

Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na video kung saan makikita si sikat na sikat na street mime performer na si Green Soldier o Jhonwel Reyes sa totoong buhay na binatukan ang isang turista.

Sa nasabing video, makikita ang lalaki na tila sinusubukan kung mapapagalaw niya si Reyes habang ito ay nagpe-perform.

Ngunit tila napuno na si Reyes ng biglang paluin ng lalaki ang helmet niya.

Dito na makikita si Green Soldier na dalawang beses binigyan ng kaltok ang lalaki.

Ikinagulat naman ng mga nasa paligid ng performer ang ginawa nito.

tiktok 1

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa ginawang ito ni Reyes.

Ang ilan ay naiintindihan na nadala lamang ng emosyon ang performer, habang ang ilan ay sinabi na dapat ay naging mapagpasensya na lamang ito dahil sa hindi talaga ito maiiwasan sa kanyang trabaho.

“Trabaho mo yan na pinili, dapat malawak at mahaba ang pasensya mo pag dating jan …. At wag ibase sa nilalapag na pera ang energy mo. Nag entertain ka ng tao paalala lng berdeng sundalo.” sabi ni netizen Vayne Mamba.

“Tama lang na mabatukan ni green soldier yung walang respeto na binata. Give respect and earn respect.” wika ni Tockay G. Gonzales.

“Minasama lang nya ung ginawa nung lalaki maliit na bagay lang un para gantihan nya ng mas higit sa ginawa sa knya, d pwede sa knya Yan kng maikli Ang paxencya nya sa mga taong nkapaligid sa knya,” komento ni Tagui De Castro

Wala pang paliwanag si Reyes tungkol sa nasabing video.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular