HomeSocial MediaManager ni Jovelyn Galleno, itinanggi na may relasyon ang dalaga sa kanyang...

Manager ni Jovelyn Galleno, itinanggi na may relasyon ang dalaga sa kanyang asawa

Itinanggi ng may-ari ng pinagtatrabahuhang botique ng nawawalang criminology student na si Jovelyn Galleno na pinagseselosan niya ang dalaga.

Sa panayam sa kanya ng Radyo Pilipinas Palawan, sinabi ni Kareen Gonzales na hindi niya kailanman pinag-isipan na mayroong relasyon si Jovelyn at ang kanyang asawa.

Ayon kay Gonzales ay maganda ang kanyang relasyon kay Jovelyn at hindi niya maiisipan ng kahit anong malisya ang dalaga.

Pinuri din ng negosyante ang pagiging masipag sa trabaho ni Jovelyn kaya naman hindi maitatago ang kanyang pag-aalala sa posibleng kinahantungan ng talaga.

jovelyn galleno last footage

Matatandaan na lumabas na isa sa mga suspek si Gonzales dahil diumano sa pinagseselosan nito si Jovelyn.

Sa mga unang inilabas na CCTV footages ay makikita na huling nakita sa loob ng mall si Jovelyn na pabalik sa pinagtatrabahuhan niyang botique.

Lalo pang naghinala ang mga netizens dahil sa tila walang emosyon si Gonzales ng makapanayam ito ng mga mamamahayag nitong Agosto 10.

Ngunit ayon sa pulisya ay kumpirmado na nakalabas ng mall si Jovelyn at nakasakay pa ng kotse.

Matapos ang 11 na araw ay hindi parin nakikita ang dalaga.

Nanawagan naman ang pamilya Galleno na sana’y huwag ng mag-imbento pa ng mga istorya ang mga netizens dahil nagugulo lamang ang imbestigasyon ng mga otoridad.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular