HomeCelebritiesKapatid ni Jovelyn Galleno, sinabi na peke ang video kung saan humihingi...

Kapatid ni Jovelyn Galleno, sinabi na peke ang video kung saan humihingi diumano ng tulong ang kapatid niya

Nakiusap ang kapatid ng criminology graduate na si Jovelyn Galleno na sana’y huwag ng gamitin pa ng mga netizens ang pangalan ng nawawalang dalaga upang magpasikat sa social media.

Sa kanyang video, sinabi ni Jonalyn Galleno na mayroong netizen na ginagamit ang pangalan ni Jovelyn upang lituhin ang mga otoridad sa kanilang imbestigasyon.

“Sa tao po na gumawa ng account sa Tiktok na gamit ang pangalan ng ate ko, nakikiusap po ako na please pakitigil na po, bilang respeto na lamang po sa pamilya namin,” ani Jonalyn.

Ang nasabing account na mayroong username na @jovelyngallenoo ay nag-post ng ilang mensahe na paghingi ng tulong.

“Help I’m scared bawal ako lumabas pamilya ko ang kapalit, di ako makapagsalita, walang ilaw ayoko na dito di ako makahinga please help tag my family or any people can help me I’m scared,” sabi ng pekeng account ni Jovelyn.

“Nandito lang ako sa ilalim ng ground kasi maingay sa taas may dumadaan na car please help me na mapuntahan ako sa ground subrang dilim,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa posibleng kinaroroonan ni Jovelyn.

Naniniwala naman sila na nakalabas ng mall ang dalaga at nakasakay pa ito sa isang kotse.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular