HomeCelebritiesDonnalyn Bartolome, inakusahan na ginagamit ang 'kahirapan' sa kanyang kanto-themed birthday

Donnalyn Bartolome, inakusahan na ginagamit ang ‘kahirapan’ sa kanyang kanto-themed birthday

Inulan ng batikos sa social media ang vlogger na si Donnalyn Bartolome matapos niyang i-celebrate ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang ‘kanto-inspired’ na birthday.

Makikita sa vlog ni Donnalyn na ginawa ang kanyang birthday sa labas lamang ng kanilang bahay at mayroon din itong kanin na ginawang cake.

Ngunit tumaas ang kilay ng mga netizens sa social media dahil sa tila pagpapanggap na mahirap lamang ang ginagawang ito ni Donnalyn.

Sinabi ni netizen Joum Malonosan na dito makikita sa ginawang party ni Donnalyn na mayroong ‘double standards’ na nangyayari sa bansa.

“When poor people celebrate, they are branded “cheap” and “jejemon” for not having enough food on their tables. Memes like this one attest to how society mocks the poor for their non-conformity with the norms of the middle class during celebrations.” ani Malonosan.

“Meanwhile, Donnalyn is deemed “humble” and “grounded” for momentarily pretending to be poor. Morever, Donnalyn treats poverty as if it was a condition that an individual could simply get in-and-out of.? dagdag niya pa.

Ayon pa sa kanya ay walang choice ang mahihirap kundi maging simple, habang si Donnalyn ay nagagawa na mag-ala mahirap dahil gusto niya ito.

Paliwanag naman ni Donnalyn ay naranasan niya rin naman na maging mahirap.

“My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. Kaya nung umalis ako saamin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan.” paliwanag ng vlogger.

“So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin. Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal saakin kahit ganito mga trip ko.. kayo na mag caption each photo HAHAHAHAHA!!!” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular