HomeCelebritiesCherry Pie Picache, tinulungan ng mga netizens na makahanap ng murang sibuyas...

Cherry Pie Picache, tinulungan ng mga netizens na makahanap ng murang sibuyas sa gitna ng reklamo nito

Naging usap-usapan sa social media ang pagrereklamo ng aktres na si Cherry Pie Picache tungkol sa diumano’y paglobo ng presyo ng puting sibuyas.

Sa kanyang post nitong Agosto 11, hindi naitago ni Picache ang kanyang pagkadismaya dahil sa wala na siyang mahanap na puting sibuyas at kung mayroon man ay nasa 500 pesos diumano ang per kilo nito.

Ayon sa kanya ay sinilip niya sa Farmer’s Market sa Cubao ang presyo ng sibuyas ngunit umabot daw ito sa 450-500 pesos ang kilo.

“Walang white onions sa kahit saan. If meron 500/kl?!?! This is a first,” sabi ng aktres.

screencap 2022 08 15 at 11.35.13 PM
tweet mula kay Cherry Pie Picache @yescppicache

Ito rin ang reklamo ng ilan sa mga followers ni Picache.

“No white onions at any SM or Robinson supermarket. Puro red onions. I can live without onions kung 500/k. M not crazy to pay that much.” sabi pa ni @metorcrissy.

Dahil dito ay tinulungan ng ilang netizens ang aktres na makahanap ng murang sibuyas.

Sa isang malaking mall ay makikita na nasa 180 lamang ang kilo ng sibuyas.

screencap 2022 08 15 at 11.37.48 PM
Larawan mula sa Twitter

Kahit ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot ay ipinakita kay Picache ang presyo ng puting sibuyas sa isa pang kilalang grocery store.

Samantala ay ilang netizens ang sinabi na maaring dahil sa hindi season ngayon ng sibuyas kaya’t hirap makahanap ang aktres.

“Tag-ulan po walang nagtatanim ng sibuyas sa ganitong panahon, mayroon man siguro kakaunti lang at well protekted sa ulan, kaya mahal ang sibuyas pag di araw nang pagtatanim” sabi ni Rain Rianne.

Hindi pa malaman kung sa ngayon ay nakahanap na ng kanyang puting sibuyas ang aktres.

Isa si Picache sa sumuporta sa kandidatura noon ni dating Vice President Leni Robredo na natalo nitong nakaraang halalan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular