HomeCelebritiesAtty. Vince Tañada tinawag na tagumpay ang 'Katips': "Sobra-sobrang laki yung kinita"

Atty. Vince Tañada tinawag na tagumpay ang ‘Katips’: “Sobra-sobrang laki yung kinita”

Nanindigan si Atty. Vince Tañada na direktor at producer ng ‘Katips’ na maituturing na tagumpay ang kanilang pelikula.

Sa panayam sa kanya ng Global Daily Mirror, ibinahagi ni Tañada na hindi maituturing na flop ang kanilang pelikula dahil sa nasa sinehan parin ito.

Hindi rin daw totoo ang mga ipinapakalat ng mga nasa likod ng karibal nilang pelikula na ‘Maid in Malacañang’ na nabawasan sila ng sinehan.

Matatandaan na sinabi ng direktor ng MiM na si Darryl Yap na pinu-pull out na sa mga sinehan ang Katips dahil sa mahina ang kita nila.

maid in malacanang katips
Ang magkaribal na pelikula na nagpapatagisan ngayon sa takilya

“Hindi rin kami flop kasi hanggang ngayon showing kami…sila daw 218 cinemas, kami 60 na lang, pero ang totoo 110 pa rin kami hanggang ngayon…pero kung flop ang pelikula ni 60 wala ka. First day mo pa lang pull-out kana kung flop,” paliwanag ni Tañada.

Kung titignan daw ang kanilang puhunan para mai-produce ang pelikula ay masasabi na ni Tañada na malaki na ang kinita ng Katips.

“Successful ang ‘Katips’ dahil sobra-sobrang laki yung kinita ng ‘Katips’ kumpara doon sa pinuhunan namin,” aniya.

Ngunit tumanggi parin ibinahagi ni Tañada kung magkano ang eksaktong kinita ng ‘Katips’ katulad ng hamon sa kanya ni Yap.

Sa ngayon ay susubukan namang tapatan ng Katips ang MiM sa ibang bansa katulad ng United Arab Emirates.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular