HomeSocial MediaTarot card reader, ibinahagi ang kanyang hula sa sinapit ni Jovelyn Galleno

Tarot card reader, ibinahagi ang kanyang hula sa sinapit ni Jovelyn Galleno

Hindi maganda ang hula ng ilang tarot card reader kay Jovelyn Galleno, ang criminology student na naiulat na nawawala simula pa noong Agosto 5.

Hanggang ngayon ay maituturing na isang misteryo ang nangyari kay Jovelyn dahil walang malinaw na CCTV footage na nakakuha kung saan ba talaga pumunta ang dalaga bago ito naiulat na mawala.

Noong una ay pinaniniwalaan na hindi nakalabas ng mall si Jovelyn, ngunit ayon sa pulisya ay kumpiyansa sila na ang kanilang mga hawak na bagong CCTV footages ay magpapatunay na buhay pa itong nakalabas sa nasabing establisyemento.

Dahil sa misteryong bumabalot sa nangyari kay Jovelyn ay umasa nalang ang ilang netizens sa mga manghuhula upang malaman kung ano ang posibleng nangyari sa dalaga.

Sa post ng tarot card reader na si Illu Sion ay makikitang hindi maganda ang mga ipinakita ng baraha sa kanya.

Ayon sa kanya ito ang imprestasyon niya sa baraha:

1) The Emperor signifies na mayroong power, may control, may mataas na tao na sangkot sa pangyayaring ito. When I say, mataas, it does not mean politicians or businessmen, but something na mayaman, or may status sa society. It could signify din na maedad na ang taong ito.

2) Two of cups suggest conspiring a plot.
May sabwatan na nangyari. We dont know kung anong uri ng sabwatan ito, at kung sino-sino involve dito. It may also explain why there is lack of evidence about sa pagkawala niya.

3) Five of wands indicate na may alitan, o galit o away na namumuo before mangyari ang pagkawala ni Jovelyn.

4) The Star suggest bakit ito nangyari kay Jovelyn. Ang Star kasi could mean “famous”
, kinaiingitan, or another intepretation, dahil sa maganda siya.

5) The devil could mean na hinostage muna
bago pin*tay (five of cups) which is again kapareho ng significator card ni Jassy.
May possibility din na gin*h*sa muna.

Ito rin ang hula ng kanyang kaibigan na si Jassy Dagasdas at sinabi na posibleng hindi na makita pa ng buhay ang dalaga.

Ang tingin naman ni Dagasdas ay may kinalaman sa ‘love’ ang nangyaring pagkawala ng dalaga.

Sinabi naman ng tarot card reader na huwag basta basta seryosohin ang kanyang hula lalo na’t patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari kay Jovelyn.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular