HomeCelebritiesSen. Robin Padilla ipinagtanggol ang kanyang 'same-sex union bill' sa kapwa niya...

Sen. Robin Padilla ipinagtanggol ang kanyang ‘same-sex union bill’ sa kapwa niya Muslim: “Ang lahat ay may puwang sa ating saligang batas,”

Ipinagtanggol ni Senador Robin Padilla ang kanyang isinusulong na Civil Unions Act o Senate Bill No. 449 sa kanyang mga followers na Muslim na hindi maitago ang pagkadismaya sa kanya.

Ang nasabing panukala ay magbibigay ng karapatan sa mga ‘same-sex couples’ upang maging legal ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang civil-union.

Sa kanyang Facebook post, hindi pa naman batas ang kanyang isinusulong at dadaan pa naman ito sa debate at botohan kaya’t dapat ay kumalma muna ang kanyang mga followers.

“Ang intensyon ng Panukalang batas ( hindi pa po ito batas ) ay mapag usapan ang karapatan ng isang komunidad. Sa mga magaganap na hearing o pagdinig ay makunan ng opinyon, komento at paliwanag ang lahat ng panig,” sabi ni Padilla.

Hinimok niya naman ang lahat ng basahin ang detalyadong laman ng kanyang isinusulong na panukala at huwag muna ito agad agad husgahan.

lgbt1
Robin Padilla kasama ang kanyang kapatid na miyembro ng LGBT na si BB.Gandanghari

Ginagawa niya lamang ang pagsusulong ng Civil Unions Act dahil sa ito ay tugon niya sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na parte din ng bansa.

“Tugon lamang po ito sa mga hinaing ng ating mga kababayan at kapwa Tao. Bilang senador ng buong bansa na kanilang pinagkatiwalaan na iBoto rin at lapitan. Kailangan ko ito aksyonan ng walang drama Malinaw po sa aking mandato na wala akong pipiliin na panigan o pakinggan,” 
aniya.

“Ang lahat ay pantay pantay. Ang lahat ay May puwang sa ating saligang batas. Ang panukala po na ito ay dadaan sa napakahabang proceso ng pagdinig kayat ano man po ang inyong hinaing. Mainam po na ihanda ang sarili at inyong organisasyon at makiisa po sa debate sa pagdinig nito,” dagdag niya pa.

Sinabi rin nito na may karapatan ang mga miyembro ng LGBT na magkaroon ng pantay na karapatan lalo na’t nagbabayad din sila ng buwis at sumusunod sa batas.

“Resonable at mga Respetadong Tao po ang komunidad na ito. Hindi Sila magugulo. Sila po ay sumusunod sa batas at katunayan po sila ay masisipag sa trabaho at mga masigasig na tax payers.” sabi ng senador.

“Nais lamang po nila mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa apat na sulok ng silid ng demokrasya. Wala po silang intensyon na sagasaan ang anumang religion kayat ang kanilang mungkahi po ay civil hindi Simbahan,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular