HomeCelebritiesSasakyan na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno, hinahanap na ng mga otoridad

Sasakyan na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno, hinahanap na ng mga otoridad

Nagbigay ng panibagong impormasyon ang Palawan PNP sa publiko tungkol sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Naniniwala ang mga otoridad na nakalabas ng Robinsons Mall si Jovelyn at pinaghihinalaan na sumakay sa isang sasakyan bago ito mawala.

Napansin ito ng mga pulis na pinanood ang mga CCTV footages na ibinigay sa kanila ng Robinsons Palawan kung saan nawala ang dalaga.

mall 1
Makikita sa CCTV footage si Jovelyn Galleno habang papasok ito sa nasabing mall

Sa panayam ng Brigada News Philippines ay kinumpirma ni PCPT Victoria Iquin ang impormasyon na may CCTV footage nga silang nakita na nakarating pa sa parking lot ng mall ang dalaga ngunit tikom ang kanilang bibig kung saan itong eksaktong lugar.

“Mayroon na po tayong suspected, sedan,” ayon kay Iquin.

Ayon sa kanila ay hindi pa sila maaring magbigay ng karagdagang impormasyon dahil sa tinutugis na nila ang nasabing sasakyan.

screencap 2022 08 15 at 4.08.45 AM

Naghahanap din sila ng mga dashcam footages na maaring nakahagip sa nasabing sasakyan.

Nakikipagtulungan narin sila sa Land Transportation Office (LTO) upang maberipika ang kanilang pinagsususpetsahan na sasakyan.

Sa ngayon ay hahanap pa sila ng footage upang makumpirma kung sumakay nga ba si Jovelyn sa nasabing sedan dahil ang kanilang hawak na video ay natatakpan ng “blind spot” ang dalaga.

Nitong Agosto 5 naiulat na nawala si Jovelyn at nitong una ay inakala ng mga netizens na hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas ng mall ang dalaga.

Ngunit kumpiyansa ang PNP na ang nakita nilang mga bagong CCTV footages ay nagkumpirma na lumabas ng mall ang dalaga.

Nangako naman ang PNP na ibabahagi nila ang karagdagang impormasyon kapag nakumpirma na nila ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular