HomeSocial MediaMga huling CCTV footage ni Jovelyn Gallena sa loob ng mall, ipinakita...

Mga huling CCTV footage ni Jovelyn Gallena sa loob ng mall, ipinakita na sa publiko

Ipinakita sa publiko ang mga huling CCTV footage na kuha sa loob ng Robinsons Mall sa Puerto Princesa bago mawala ang isa sa mga empleyado nila na si Jovelyn Galleno.

Sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ay ipinakita ang paglalakad ni Jovelyn sa loob ng mall bago ito maiulat na mawala.

6:50 PM ng Agosto 5 ay makikita si Jovelyn na palabas na ng mall at matapos ang sampung minuto nahagip muli ang dalaga sa CCTV footage ng isang tindahan na kaharap ng kanyang pinagta-trabahuhan sa loob ng establisyemento.

Ito na ang huling CCTV footage na makikita si Jovelyn at wala diumanong video na makikita na nakalabas ng mall ang dalaga.

Matatandaan na umabot na sa 250,000 ang pabuya sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Jovelyn.

Binatikos naman sa social media ang management ng mall dahil tila hindi ito nakikipagtulungan sa imbestigasyon na itinanggi naman nila.

“In relation to the reported missing employee of one of our mall partner-tenants, the Management of Robinsons Place Palawan is fully cooperating with police and local authorities to support their investigation,” sabi ng nasabing mall.

“The PNP has viewed the CCTV footages and copies of all their requested footages have been given to them.” dagdag pa nila.

Kinumpirma naman ng PNP Palawan na mayroon na silang mga napanood na CCTV footage mula sa mall at nangako sila na mareresolba nila ang misteryo sa pagkawala ni Jovelyn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular