HomeCelebritiesMarawi Grand Mosque, binitawan na ang suporta kay Robin Padilla dahil sa...

Marawi Grand Mosque, binitawan na ang suporta kay Robin Padilla dahil sa pagsulong nito as ‘same-sex union’

Kinondena ng Jameo Mindanao Al Islamie JMI o Marawi Grand Mosque ang pagsusulong ni Senador Ronbin Padilla ng Civil Unions Act o Senate Bill No. 449, na magbibigay ng karapatan para sa mga same-sex couples sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Grand Imam o prayer leader na si Alim Abdulmajeed Djamla na binibitawan niya na ang kanyang suporta kay Padilla na isang muslim dahil sa ang isinusulong nito ay maituturing na ‘imoral’ sa ilalim ng Islam.

“In my Authority as Grand Imam of the Jameo Mindanao Al Islamie JMI [Marawi Grand Mosque]. I regret to inform all Muslims in general and the Muslims in the Philippines that I and those who follow me have withdrawn our support for Senator Robin Padilla and strongly condemn his sponsorship of Same-Sex Marriage Bill No. (449) Civil Unions Acts in the Senate.” sabi ng Imam.

“This is Based on the doctrine that same-sex marriage is immoral by all religions and is forbidden (Haram) under Islamic law. And whoever commits such act from among the Muslims is tantamount to disbelief (KUFR) which is outside the creed of Islam.” dagdag niya pa.

Condemnation 750x1022 1

Samantala ay sinabi naman ni Padilla na mas mainam na lamang na manahimik siya kaysa sa makipagsagutan sa mga bumabatikos sa kanyang mga Islamic scholars.

“Bakit daw po hindi ko sinasagot ang mga pahayag ng mga Maalam na muslim Ano po ba ang karapatan ko na sumagot Astigfirullah mainam po ang manahimik Sila po ang nakakaalam ng Tama at Mali sa ating pananampalataya. kailanman man po hindi ko sasalungatin ang kanilang mga pahayag ng pagtutuwid.” sabi ng senador.

Sa isang pahayag pa ay sinabi ni Padilla na gusto niya lamang bigyan ng karagdagang karapatan ang mga LGBT dahil sa isa rin sila sa mga parte ng bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular