HomeSocial MediaLance Gokongwei, nagsalita tungkol sa 'taong-ahas' legend sa kanilang mall: "Walang basis"

Lance Gokongwei, nagsalita tungkol sa ‘taong-ahas’ legend sa kanilang mall: “Walang basis”

Sinagot ng miyembro ng pamilya Gokongwei ang isa sa mga pinakasikat na urban legend sa bansa kung saan ay sangkot ang kanilang mall.

Matatandaan na naging usap-usapan muli sa social media ang diumano’y ‘taong-ahas’ na nagtatago sa isa sa mga Robinsons mall matapos mapaulat na mawala ang graduating student na si Jovelyn Galleno na nakatira sa Puerto Princesa, Palawan.

Huli kasing nakita si Jovelyn na pumasok sa nasabing mall ngunit walang nahagip ang CCTV na lumabas ito sa establisyemento.

Ilang netizens tuloy ang may kutob na si Jovelyn ay biktima ng taong ahas.

robinson jovelyn galleno

Ngunit ayon kay JG Summit CEO Lance Gokongwei ay walang basehan ang nasabing urban legend.

Sinagot ito ni Gokongwei sa panayam sa kanya ni Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Pabiro pa nitong sinabi na kung totoo man ang taong ahas ay matagal na itong nahuli ng kanyang kapatid na si Robina Gokongwei-Pe na CEO ang Robinsons Retail Holdings Inc.

Si Gokongwei-Pe din ang pinaghihinalaan na kakambal diumano ng taong-ahas.

“That’s a definite false. If there was a snake, my sister Robina would’ve caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons.” aniya.

Sinabi na rin noon ni Mrs. Gokongwei-Pe sa kaiinitan ng isyu na mayroong 52 na bersyon ang kwento tungkol sa taong ahas kaya naman siguradong imbento lamang ito.

“‘Who started the rumor?’ Most probably it was spread by a competitor with a very, very sick mind.” ani Gokongwei-Pe.

Hamon din noon ng may-ari ng Robinsons na kung mahuli man nila ang taong-ahas ay ibibigay niya dito ang buong mall.

“I’m inviting everybody to go there. And, naku, if anybody can find that creature, I swear I’m going to give the entire Galleria to him!” aniya.

Inamin naman ng aktres na si Alice Dixson na isa sa mga main cast ng urban legend na prank niya lamang noon sa kanyang mga kaibigan ang paghingi niya ng tulong sa dressing room ng Robinsons.

“I was just being funny, I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko. I was just being young and silly.” sabi ng aktres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular