HomeCelebritiesUrban Legend, muling pinag-usapan dahil sa nawawalang dalaga na huling nakita sa...

Urban Legend, muling pinag-usapan dahil sa nawawalang dalaga na huling nakita sa Robinson at hindi na lumabas

Tila muling nabuhay ang isang urban legend dahil sa kaso ng isang estudyante na hanggang ngayon ay hindi parin mahanap hanap ng kanyang mga magulang.

Nitong Agosto 5 ay naiulat na nawala ang B.S Criminology graduating student na si Jovelyn Galleno na huling pumasok sa Robinsons Place Puerto Princesa City, Palawan.

Makikita sa CCTV ng mall nitong Agosto 5 ang pagpasok ni Jovelyn ngunit wala namang makitang footage ang nasabing establisyemento ng paglabas ng estudyante.

Imposible naman ito dahil ang lahat ng labasan ng nasabing mall ay mayroong CCTV camera.

mall 1
Makikita sa CCTV footage si Jovelyn Galleno (nakasoot ng orange na damit) habang papasok ito sa nasabing mall

Ayon sa kapatid ng dalaga ay kadalasang lumalabas ng mall si Jovelyn tuwing 6:30 ng gabi ngunit umabot na ng alas 7:30 ay hindi parin nakakauwi ng bahay ang dalaga.

Nitong pasado 6:37pm ay nag-chat si Jovelyn sa kanyang kapatid at nagtatanong kung ano ang kanilang ulam.

“SABIHIN MO KAY MAMA BUKAS PA AKO MASAHURAN KAY WALA SI MAAM.” ayon sa huling text ng dalaga.

mall 2

mall 3 <

Nanawagan na ang LGU ng Puerto Prinsesa sa Robinsons na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Nilinaw ng nasabing mall na wala silang itinatago sa mga otoridad at   sa publiko.

Iginiit din nila na wala silang nakitang CCTV footage na makikita ang paglabas sa mall ni Jovelyn.

Ilang netizens tuloy ang napaisip kung konektado nga ba ito sa urban legend na kumakalat tungkol sa nasabing mall.

Matatandaan na inumpisahan ng aktres na si Alice Dixson ang nasabing urban legend noong 1980s dahil sa isang ‘taong ahas’ na diumano’y nambiktima sa kanya sa loob ng dressing mall ng mall.

Tingin ng ilang netizens ay ang ‘taong ahas’ ang kumuha kay Jovelyn kaya’t hindi maipaliwanag ng mall ang nangyari.

Pero nilinaw naman ng aktres sa isang vlog na nagpa-prank lamang siya noon sa mga kasamahan niya.

“They directed me to the bathroom sa labas ng department store on the fourth floor para magpalit ng damit. Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas, and for some reason while I was inside the bathroom, I said, ‘Tuklaw, tuklaw’,” sabi ng aktres.

“Now, I don’t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.” dagdag pa niya.

Matapos ang ilang dekada ay tila ginawa pa itong pagkakataon ng Robinsons para kuning endorser si Alice.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular