HomeCelebritiesTuesday Vargas, sinabing hindi niya ikinahihiya ang pagla-live selling: "

Tuesday Vargas, sinabing hindi niya ikinahihiya ang pagla-live selling: “

Usap-usapan ngayon sa social media ang singer at aktres na si Tuesday Vargas dahil sa pagtitinda niya ng damit online sa pamamagitan ng live selling.

Ikinasupresa naman ito ng mga netizens dahil ang tingin nila ay artista naman si Tuesday at hindi naman ito naghihirap para mag-side line.

Pero sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag niya sa mga concerned netizen na malaki ang naitutulong sa kanya ng live selling.

Ayon sa kanya ay hindi niya rin naman ito ikinakahiya dahil sa marangal na trabaho ang pagtitinda online.

tuesday vargas 3

“May mga nag PM sa akin at tinatanong bakit daw ako nag la live selling pa eh artista na daw ako. Simple lang naman po.

“Sa loob ng dalawang oras ng live selling meron na akong pang bayad ng internet at pang grocery.

“Napaka dami ko pong gamit at damit na hindi na po napapakinabangan, maaari pa itong magkaroon ng pangalawang buhay sa miners natin.

“Marangal na kabuhayan ang pagbebenta at hindi ko ito kinakahiya.

“Lahat ng oras na libre ay ginagawa kong kapaki pakinabang dahil nanay ako at gusto kong punuan ang pangangailangan ng pamilya ko. So yun na nga po,” paliwanag ng aktres.

“Huwag pong magtaka or husgahan ang aking ginagawa. Sa lahat naman po ng mga tumatangkilik, salamat po talaga sa inyo.

“Malaking tulong ito sa pamilya namin. Mabuhay ang lahat ng small business owners! Saludo po ako sa inyo. Happy weekend guys!” aniya.

tuesday 1

Nagpakita naman ng suporta ang mga netizens sa ginagawa ni Tuesday at ang ilan ay naiintindihan na sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan din maghanap ng mga artista ng ibang pagkakakitaan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular