HomeCelebritiesSarah Balabagan, nagpasalamat kay dating pangulong FVR sa naitulong nito sa kanya

Sarah Balabagan, nagpasalamat kay dating pangulong FVR sa naitulong nito sa kanya

Isa sa mga nalungkot sa pagpanaw ni dating pangulong Fidel V. Ramos ay ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sarah Balabagan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Balabagan ang kanyang pasasalamat sa naitulong ni Ramos sa kanya noong siya ay nakapiit pa sa United Arab Emirates.

“Rest In Peace Former President Fidel V. Ramos. I remember when He wrote a letter to me while I was in Al-Ain… the last sentence on his letter was said, “DONT LOSE HOPE”. Maraming salamat po,” caption ni Balabagan sa kanyang post.

Matatandaan na naging usap-usapan si Balabagan dahil isa lamang siyang menor-de-edad ng pumunta sa abroad para magtrabaho at subukan pagsamantalahan ng kanyang amo.

Isa rin ang kaso ni Balabagan sa mga istorya na magpapatunay ng hirap na nararanasan ng mga domestic helper sa Middle East.

Tinapos ni Balabagan ang buhay ng kanyang amo sa pamamagitan ng self-defense ngunit ang naging resulta nito ay ang pagpapataw sa kanya ng parusang kamatayan.

Nailigtas naman siya sa nasabing parusa sa pamamagitan ng dating Presidente ng UAE at sa tulong narin ng gobyerno ng Pilipinas.

Matatandaan na pag-uwi niya sa Pilipinas ay nagkaroon pa siya ng career sa showbiz.

Ngunit matapos ang isang taon ay natapos din ito dahil sa biglaan niyang pagkabuntis sa edad na 17-anyos.

Matapos ang ilang dekada ay inamin niya na ang nakabuntis sa kanya ay ang 32-anyos noon na broadcaster na nagko-cover sa kanya.

Nilinaw naman ni Balabagan na ibinahagi niya kun sino ang ama ng kanyang anak upang matahimik na ang tsismis na si dating ambassador Roy Seneres ang ama ng kanyang unang anak.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular