HomeCelebritiesRomnick Sarmenta, may mensahe sa mga kaibigan niya na miyembro ng 31-M:...

Romnick Sarmenta, may mensahe sa mga kaibigan niya na miyembro ng 31-M: “Paki unfollow o unfriend na po ako”

May pakiusap ang aktor na si Romnick Sarmenta sa kanyang mga kaibigan sa social media na bumoto kay pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa kanyang post, nagpasalamat siya sa kanyang mga kaibigan na sinuportahan siya, ngunit hindi niya na matitiis pa na madikit sa 31-M na bumoto kay Marcos.

Ayon sa kanya ay mas gugustuhin niya na kaunti na lamang ang maging kaibigan niya basta’t kapareho sila ng kanyang paniniwala at prinsipyo.

screencap 2022 08 14 at 4.49.42 AM

“P A K I U S A P

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal, pagkakaibigan at suportang ibinigay ninyo sa maraming taon. Pinahahalagahan ko yun at kinikilala. Salamat.

“Mahal ko kayo.

“Pero mayroon akong pakiusap, kung may pag galang kayo, at pagkilala sa kapwa tao. Kung kasama ka sa 30M, paki unfollow o unfriend na po ako.

“Hindi lingid sa inyo kung sinong sinuportahan o ibinoto ko. Malinaw na hindi magkapareho ang pinili natin at pinahahalagahan.

“Malinaw, na magkakaiba ang ating paniniwala. At kung tutoo ka sa sarili mo, maiintindihan mo ang nais at ibig kong sabihin.

“Walang panghuhusga sa bahagi ko, kaya nga nakikiusap.

“Sinabi ko na noon, na hindi ako magdadalawang isip sa pag block ng mga taong hindi ko kailangan sa mga social media accounts ko. Pero wag nyo na akong pagurin pa. At dahil di ko naman kayo inaabala, wag na kayong mag abala pa sa akin.

“Mas gugustuhin kong makita, na ang kakaunting matitira sa listahan ng kaibigan at sumusuporta sa akin, ay mayroon ding malasakit sa mga pinahahalagahan ko.

“At dahil magkaiba tayo ng mga prinsipyo, tiyak kong hindi naman ako magiging kawalan sa inyo, at madali namang gawin ito.

“Salamat, sa pagpapaubaya. Patnubayan ka ng Panginoon.” aniya.

screencap 2022 08 14 at 4.51.27 AM

Sinagot naman ni Sarmenta sa isang panayam na hindi siya namba-block sa social media dahil nasasaktan siya sa mga komento at post ng mga netizen.

Ayon sa kanya ay ayaw niya lang ng ‘negativity’ sa buhay.

“I block because negativity, lies and abrasive words are not needed in my space,” sabi niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular