HomeCelebritiesManny Villar, itinanggi na naghihiganti sa ABS-CBN kaya niya kinuha ang channel...

Manny Villar, itinanggi na naghihiganti sa ABS-CBN kaya niya kinuha ang channel 2: “Revenge will get you nowhere”

Itinanggi ni dating senate president Manny Villar na kinuha niya ang frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN dahil naghihiganti siya sa nangyaring pagkatalo niya noong 2010 presidential elections.

Sa panayam sa kanya ng Forbes, hindi ito ang dahilan kung bakit kinuha niya ang channel 2 na ngayon ay pagmamay-ari na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

“I’m in AMBS for business, not for anything else. Revenge—I learned in politics—will get you nowhere.” sabi ni Villar.

Ayon sa kanya ay desisyon niya lang talagang pumasok sa media industry dahil sa mga bagong oportunidad na maaring magpalago pa sa kanyang negosyo.

villar 1
Manny Villar kasama ang kanyang business partner sa AMBS na si Willie Revillame

“The opportunities in the media industry are very exciting. I believe in the power of communication. That is the future,” aniya.

Matatandaan na ang ABS-CBN ang diumano’y isa sa mga kritiko noon ni Villar at siya namang naging isa sa mga kasangkapan upang maging matagumpay ang pangangampanya ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Nangunguna pa naman noon si Villar sa mga presidential survey ngunit bigla itong bumaba ng pumanaw si dating pangulong Corazon Aquino.

Matapos ang pagkatalo niya ay nagretiro na lamang siya sa politika at ang kanyang asawang si Sen. Cynthia Villar ang pumalit sa kanya.

Ngayon ay sumunod din sa yapak niya ang kanyang anak na si Mark Villar na isa narin ngayong senador.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular