HomeSocial MediaLGU ng Boracay, ipinagtanggol ang P16,000 na singil sa isang turista na...

LGU ng Boracay, ipinagtanggol ang P16,000 na singil sa isang turista na nagpa-tirintas ng buhok

Mismong ang alkalde ng Malay, Aklan na nakakasakop sa Boracay ang nagtanggol sa mga vendor na naningil ng P16,000 sa isang turista na nagpa-braid ng kanyang buhok.

Sa report ng 24 Oras, ipinagtanggol ni Mayor Frolibar Bautista ang mga braider sa Boracay at sinabi na tama lamang ang presyo na ipinataw ng mga ito sa turista.

braid boracay 16000

“Yung bata pala nagpagawa doon, so noong nakita ng father e parang pinaulit pala ‘yon,” ani Bautista. “Parang ang ipinagawa, ‘yung talagang thread na style, so kung 100 per strand ‘yun, at 16,000 aabot ‘yun ng mga 160 (strand).

“At the same time, tatlo kasi ang nagtrabaho doon eh,” dagdag pa niya.

Hinimok naman ni Bautista ang mga turista na magtanong muna sa presyo bago sila kumuha ng mga serbisyo sa nasabing isla.

Nagkasundo narin naman daw ang turista at ang mga braider sa presyong P16,000.

Sinabi rin ng presidente ng Malay Boracay Vendors, Peedlers, Masseurs, Manicurist and Hairbraiders Association Inc., na si Jomar Saan na sinusunod nila ang tamang presyo na ipinapakita pa nila sa mga turista.

Naniniwala rin siya na paninira lamang ang ginagawa ng nagsumbong na netizen.

Matatandaan na ibinahagi ng isang hotel manager sa Boracay ang nasabing isyu at sinabi na overpricing ang ginawa sa kanyang guest.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community.” sabi ng manager.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular