HomeCelebrities'Katips' best supporting actor Johnrey Rivas, binatikos ang programa ng GMA at...

‘Katips’ best supporting actor Johnrey Rivas, binatikos ang programa ng GMA at head writer nito

Matapang na sinagot ng FAMAS best supporting actor na gumanap sa pelikulang ‘Katips’ na si Johnrey Rivas ang head writer ng GMA Network na si Suzette Doctolero at ang mga programa sa Kapuso Network.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng reaksyon si Rivas sa pahayag ni Doctolero kung saan ay sinabi ng sikat na manunulat na hindi niya tinapos ang ‘Katips’ dahil sa magulong istorya nito.

“Ayokong ireview ng buo itong Katips at hindi ko na tinapos. One hour and 10 mins lang pinanood ko. Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito,” wika ni Doctolero.

Pumalag naman si Rivas at binatikos ang mga proyekto ni Doctolero sa GMA na isa sa mga pinakamalaking network sa bansa.

“Dapat kasi yung kuwento kabit-kabitan ng asawa, nagbabarilan ng water gun o nagse-surfing sa likod ng buwaya para di confusing.” sabi ni Rivas.

Ang tila ‘nagse-surfing sa likod’ na binabangit ni Rivas ay ang programa ngayon ng GMA na ‘Lolong’.

298021346 608675290972562 3967660102175369851 n

Ilang netizens naman ang hindi makapaniwala sa ginawa ni Rivas na tila bumangga sa malaking pader ng laitin niya ang programa ng GMA.

Nilinaw din ng isang netizen na hindi si Doctolero ay may likha ng Lolong.

“Just so you know Mr. JOHNREY RIVAS check your facts bago ka mag-rant haha Lolong is not from Madam Suzette Severo Doctolero haha FYI lang po haha magbasa ka naman po nakakahiya sa tunay na lumikha haha at accept the opinion of others sir if ‘yan ang nakita sa movie let them speak… Freedom of speech tawag diyan…. Do not put the blame sa GMA series lol lalo wala ka pala alam shame on you.” sabi ng isang netizen.

Paalala naman ni Doctolero na huwag masamain ang mga bad reviews sa kanilang mga proyekto dahil ito ang magiging dahilan nila upang lalong magpursigi.

Si Doctolero ay nakilala sa paglikha ng mundo ng Encantadia, Amaya at Indio.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular