HomeCelebritiesJim Paredes todo ang paghanga kay Vico Sotto: "Mabuhay ka!"

Jim Paredes todo ang paghanga kay Vico Sotto: “Mabuhay ka!”

Naniniwala ang legendary OPM artist na si Jim Paredes na magkakaroon ng malaking tungkulin ang 33-anyos na alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Paredes ang isang video na tila patama sa mahigit 31-M na bumoto kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

“A leader who will play a big role in our future. Mabuhay ka!” sabi ni Paredes.

Ilan din sa mga kaibigan ni Paredes ang naniniwala na magiging susunod na pangulo si Sotto.

“I’m just waiting for this guy to come of age until God Himself puts him on the path to presidency.” sabi ng isang netizen.

Makikita sa nasabing post ang video ng talumpati ni Sotto tungkol sa kanilang paglaban niya sa korapsyon.

Sa nasabing talumpati ay inamin ni Sotto na may mga kaibigan siya na nawala na dahil sa paglaban niya sa korapsyon.

Inamin niya na naasar at nasaktan din siya sa mga nangyayaring ito ngunit mas nanaig parin ang kanyang tungkulin bilang alkalde.

“Okay lang, basta ang importante ay sa huli kaya nating humarap sa Diyos at sa kapwa natin tao na malinis ang konsensya.” ani Sotto.

Matatandaan na mga kritiko ni Marcos sina Paredes at Sotto.

“Huwag tayong magpaloko! Tama na ang historical revisionism! Ipaglaban ang hustisiya! #MarcosNOTaHero” sabi ni Sotto sa kanyang tweet noong 2016.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular