HomeCelebritiesVince Tañada, nalungkot sa prangkang review ni Suzette Doctolero: "Sa babae pa...

Vince Tañada, nalungkot sa prangkang review ni Suzette Doctolero: “Sa babae pa nanggaling yung ganyang salita”

Ikinalungkot ng Katips director at producer na si Vince Tañada ang prangkang komento ng GMA Network head writer na si Suzette Doctolero.

Matatandaan na sa kanyang post sinabi ni Doctolero na hindi niya kinayang matapos ang Katips dahil sa nakakalito nitong istorya.

“Ayokong ireview ng buo itong Katips at hindi ko na tinapos. One hour and 10 mins lang pinanood ko. Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan.” ani Doctolero.

screencap 2022 08 06 at 6.03.26 AM
Screencap ng post ni Suzette Doctolero

Dismayado naman si Tañada dahil galing pa sa babae ang nasabing salita.

“Nakakalungkot lang na sa babae pa nanggaling ‘yong ganyang mga salita. Yun na nga, kaya siguro ‘di ka nilabasan kasi ‘di mo tinapos yung palabas.” sabi ni Tañada.

Nagpasalamat parin naman ang direktor sa pagbili ng ticket ni Doctolero.

“Pero, salamat sa pagbili ng ticket ha, at least ngayon alam mo nang binibili at hindi pamigay ang ticket namin.” sabi pa niya.

Tila may tugon naman si Doctolero kay Tañada.

Sa kanyang post, ibinahagi ng manunulat na noong nag-uumpisa pa lamang siya ay nakatanggap din siya ng masasakit na salita sa kanyang mga likha.

“Many many years ago, nung nagsisimula pa lang ako, may isang kilalang critic na nagbigay ng bad review sa isa sa mga unang soap na nagawa ko. I think nasa ibang company pa ako noon. Hindi pa rin ako headwriter at writer pa lang,” aniya.

“Masakit syempre lalo’t medyo harsh ang nabasa ko. Pero sa halip na umiyak, at sumama ang loob, o nagalit—- tinanggap ko ang mga sinabi niya. Tinatagan ko ang loob at tahimik na tiniis ang sakit. Nagpursige rin ako at pinag aralan talaga ang pagsusulat sa tv. Araw araw akong nagpa practice, lahat ng projects ay tinatanggap ko para mahasa.” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay itinago niya ang clipping ng mismong review na ‘yon upang ipaalala sa kanya na dapat ay hindi siya tumigil na pagalingin pa ang kanyang sarili.

“Dapat ‘di rin weak at iyakin. Nakakalasing ang mga papuri, pero nakaka humble at natututo ka sa criticisms.” paalala niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular