Sunday, December 4, 2022
HomePoliticsSiya nanaman? Vic Rodriguez, binigyan ng 'additional authority' Agri Usec. Leocadio Sebastian...

Siya nanaman? Vic Rodriguez, binigyan ng ‘additional authority’ Agri Usec. Leocadio Sebastian na pumirma sa 300,000MT na asukal

Tila palalim na ng palalim ang nahuhukay na impormasyon tungkol sa kontrobersyal na plano sana ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng 300,000 metric tons na asukal.

Ayon sa mga napaunang ulat, hindi pinayagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na siya ring agriculture secretary ang nasabing plano dahil sa iligal diumano ito.

Lalo pang tumaas ang kilay ng mga netizens ng malaman na ang isa as mga undersecretary ng DA na nakilalang si Leocadio Sebastian ay pinirmahan ang pangalan ni Marcos sa nasabing dokyumento na naglalayon para sa pag-i-import ng asukal.

Makikita sa Sugar Order No. 4 na may pirma na nga si Marcos sa nasabing dokyumento ngunit kung susuriin ay hindi ito ang signature ng pangulo.

Napag-alaman na si Sebastian pala ang pumirma nito.

298945844 168932485707852 7539601745589637223 n

Ngayon naman ay nakalkal ng media ang dokyumento na pinirmahan ni Executive Secretary Vic Rodriguez kung saan ay binibigyan niya si Sebastian ng karagdagang kapangyarihan.

Isa sa mga kapangyarihan nito ay ang magkaroon ng otoridad na mas makapangyarihan pa sa posisyon ni Marcos bilang head of the Sugar Regulatory Administration.

Makikita rin dito na binigyan ni Rodriguez si Sebastian ng kapangyarihan para mag appoint at reassign ng mga opisyal at empleyado ng DA.

299198246 3221601481384872 5144560762924194636 n 298967401 3221601461384874 693748619435022436 n

Matatandaan nasi Rodriguez din ang diumano’y nag-rekomenda na ilagay si Christopher Pastrana bilang General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA) ngunit napag-alaman na mayroon pala itong utang na P132-M sa Department of Transportation (DOTr).

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Malacañang tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular