HomeCelebritiesRita Avila sa mga tinawag siyang 'baliw': "Nakain na talaga ng zombies...

Rita Avila sa mga tinawag siyang ‘baliw’: “Nakain na talaga ng zombies ang brains ng mga ito!”

Pumalag ang aktres na si Rita Avila sa mga bumabatikos sa kanyang komento tungkol sa ‘history’.

Matatandaan na nagbigay ng kanyang opinyon ang aktres sa gitna ng usapin tungkol sa ‘tsimis’ at ‘history’ at ayon sa kanya ay hindi na maari pang mabago kung ano ang nakasulat sa mga libro.

“Nasa tao naman kung gustong maniwala sa tsismis. Kaso bihira ang mag-iisip at maghahanap ng katotohanan. Sapat na sa kanila ang naaliw sila sa tsismis at naramdamang mas “mataas” sila sa taong tinatapakan…” ani Rita.

“Ang mga nasulat na sa history books ay nangyari na. Hindi pwedeng palitan… Wag magaling. Hindi kita pinipilit. Kung gusto mong mali ang igiit, kaalaman mo’y ikaw ang guguhit,” dagdag niya pa.

Ngunit hindi nagustuhan ng mga netizens ang kanyang komento at inulan siya ng iba’t ibang akusasyon at pambabatikos.

Inisa-isa naman ni Avila ang ilan sa mga sinasabi ng mga netizens laban sa kanya.

“Umani pala ng maraming batikos ang maayos kong sinabi. Shempre consistent ang mga nagalit sa pagsabing BALIW kasi ako. WOW HA. Nakain na talaga ng zombies ang brains ng mga ito. 18 years old na ang mga manika ko, di pa rin sila naka-move on.” sabi ni Avila.

“Ang galing ko namang baliw, nakasulat ng children’s books, nakakapagtrabaho ng maayos, at wala sa mental hospital.  Sorry pero parang sila ang baliw. Wala silang katinuan eh.” dagdag pa niya.

Itinanggi niya rin na siya ay laos na artista pero kung totoo man ang sinasabi ng mga netizens ay hindi naman niya na ito iniisip.

Tanggap niya rin na siya ay matanda na at hindi na bumabata.

“Natural. Pinanganak ako ng 1964, pag hindi ako naging matanda ngayon, anu un? Lahat ay tatanda. Walang lusot.” aniya.

Kilala si Avila sa kanyang pagbibigay ng komento tungkol sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular