HomeCelebritiesMga vendor hindi na makakabalik ng permanente sa Virgin Island, Panglao kung...

Mga vendor hindi na makakabalik ng permanente sa Virgin Island, Panglao kung saan nasingil ang P26,000 ang isang grupo

Permanente ng hindi makakabalik ang mga vendor sa Virgin Island sa Panglao, Bohol matapos mag-viral sa social media ang paniningil sa isang grupo ng turista ng P26,000 para sa kanilang pagkain sa nasabing isla.

Sa kanyang desisyon, sinabi ni Panglao Mayor Edgardo “Boy” Arcay na gusto niyang malinis ang pangalan ng kanilang lugar sa mga turista matapos ang nangyari.

Ayon sa kanya ay mas mainam na makilala ang Panglao hindi lamang sa kagandahang taglay ng kanilang lugar kundi pati narin sa pagiging tapat ng mga tao doon.

READ MORE: Presyong Ginto! Turista, nagreklamo matapos singilin ng P26,000 para sa pagkain nila sa Panglao, Bohol

“Tourists come here, not only because of our beautiful beaches, but also because of honest people. If food prices are overpriced, no one will visit Panglao again,” sabi ni Arcay sa panayam sa kanya ng Inquirer.

panglao island overprice

Sa isang panayam pa ay sinabi niya na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nagdesisyon na ipagbawal ang pagtitinda sa nasabing isla.

Ito’y dahil sa itinuturing na protected area ang Virgin Island at kahit noon pa man ay talagang dapat bawal na ang pagtitinda doon.

Nilinaw naman ng alkalde na maari paring makapunta sa Virgin Island ang mga turista upang makita ang ganda nito.

Sa ngayon ay gumagawa na ng paraan ang alkalde upang matulungan ang mga maapektuhan ng pagsasara ng nasabing isla para sa mga vendor.

Ayon sa isang vendor ay aabot sa 60 pamilya ang naapektuhan ng post ng netizen na si Vilma Uy na nag-post tungkol sa P26,000 na siningil sa kanyang kaibigan na nagbabakasyon sa Panglao.

READ MORE: Nagtinda ng P26,000 na pagkain sa Panglao, ipinakita ang kumpletong order ng turista

Imbis naman na humingi ng paumanhin ay sinabi ng nagtinda sa nasabing grupo na walang overpricing na nangyari.

Samantala ay ikinatuwa naman ng ilang turista ang naging desisyon na alisin na ang mga vendors sa Panglao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular