HomeCelebritiesJohn Arcilla, ipapa-'barang' ng isang netizen dahil sa gigil nito sa role...

John Arcilla, ipapa-‘barang’ ng isang netizen dahil sa gigil nito sa role niya sa ‘Ang Probinsyano’

Dahil sa pagiging kontrabida nito sa katatapos lamang na ‘Ang Probinsyano’ ay hindi maiwasan ni John Arcilla na makatanggap ng mga pagbabanta mula sa mga fans ng nasabing programa.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Arcilla na gumagamit bilang Renato Hipolito ang mga mensahe sa kanya ng mga netizens ang ilan pa ay sinabi na ipapa-kulam siya.

Ayon sa kanya ay hindi niya maiwasan na mag-alala para sa kaligtasan niya dahil sa mga natatanggap niyang mensahe.

Nilinaw niya naman na artista lamang siya at ginagawa niya lamang kung ano ang sinasabi sa kanya ng mga nasa likod ng programa.

“Dumadami nanaman fans ko at personal message pa 🙂 Pero nakaka bother din 🙂 Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba? 😩🙂😊? Peace po,” sabi niya.

Sa isang post pa ay makikita pa ang mga mas malalang mensahe sa kanya kung saan ay isang netizen ang gusto talagang matapos ang kanyang buhay dahil lamang sa pagiging kontrabida niya sa Ang Probinsyano.

“Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba,” ani Arcilla.

“Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, undersrandable 🙂 pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality,” dagdag pa niya.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaibigan ni Arcilla at sinabi nila na talaga namang magaling ang aktor sa pag-arte kaya naman nadadala ang mga manonood.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular