HomeCelebritiesInternational Relations Expert, tila may ipinaalala kay Andy Bautista: "You had been...

International Relations Expert, tila may ipinaalala kay Andy Bautista: “You had been a very naughty boy Andy, now kneel.”

Usap-usapan ngayon sa social media ang patama ni dating Commission on Elections (COMELEC) chair Andy Bautista laban sa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Ibinahagi ni Gutierrez sa social media ang kinita ng Maid in Malacañang kung saan ay isinama niya sa caption ng kanyang post ang mga linyang, “Kapag lalong inaapi, MAS LALONG TUMITINDI!”.

Sa kanyang Twitter naman ay nag post si Bautista ng larawan ni dating vice presidential candidate Walden Bello na hinuli nitong nakaraan dahil sa cyber libel case.

“Kapag lalong inaapi, mas lalong tumitindi”G! sabi ni Bautista.

Pumalag naman ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot kay Bautista at sinabi na hindi pagyayabang ang ginawa ni Gutierrez na pagbabahagi ng kinita ng kanilang pelikula.

Tila may patama din si Sasot kay Bautista.

“Dude, it’s standard practice in the movie industry to reveal how their film is doing in terms of sales. Artista si Ruffa, and you had been a very naughty boy Andy, now kneel.” sabi ni Sasot.

Matatandaan na noong 2017 ay inakusahan si Bautista ng kanyang dating asawa na si Patricia “Tisha” Cruz-Bautista ng diumano’y pagtataksil.

Ito’y matapos makita ni Mrs. Bautista ang diumano’y ‘latigo’ sa mga gamit ng dating COMELEC chief.

“Curiously, she found a bullwhip or latigo. What it’s for, I don’t know. It was in a paper bag, in a plastic bag,” sabi ni Atty. Lorna Kapunan.

Mayroon din daw silang nakitang mga social media accounts ni Bautista na ang identity ay isang magandang babae at isang batang lalake.

Nagbigay din diumano ng condo si Bautista sa kanyang mga babae.

Sa ngayon ay nasa ibang bansa na ang dating opisyal ng COMELEC at wala pang balak umuwi sa Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular