HomeCelebritiesArnold Clavio, ibinahagi ang kwento ng buhay niya bago maging reporter: "Muntikan...

Arnold Clavio, ibinahagi ang kwento ng buhay niya bago maging reporter: “Muntikan na akong maging pari”

Isa na ata sa mga pinakakilalang broadcaster sa bansa si Arnold Clavio, ngunit hindi naging madali ang landas na kanyang tinahak bago siya maging matagumpay.

Sa programang surprise guest with Pia ibinahagi ni Clavio kung ano ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay bago siya maging broadcaster.

Ayon sa kanya ay hindi niya inaakala na sobra sobra ang ibibigay sa kanya ng Panginoon lalo na’t ang gusto niya lamang noon talaga ay ang makakuha ng sapat na makakain dahil sanay naman siya sa hirap.

Ikinasupresa naman kahit ni Archangel ng ibahagi ni Clavio na muntikan na siyang maging pari.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi ata talaga ang pagiging pari ang nakatadhana para sa kanya.

“Highschool palang ako tini-train na ako sa buhay seminaryo, so during that time ‘yun nga ano ako, praying the rosary, attending mass everyday, ‘yun ang naging buhay ko noong high school hanggang sa maging active ako na sakristan,” pagbabahagi ni Clavio.

“Pero after nung highschool na ako, noong nag-apply na ako maging seminarista, na-reject ako,” dagdag pa niya.

Sa kanyang Instagram post naman nitong 2021 ay ibinahagi niya rin na isa siyang working student noong kolehiyo siya.

“Ako ay naging busboy/waiter, cook at dishwasher. Doon ako unang tinawag na Arnold Dishwashernegger.” sabi ni Clavio.

“I’m a proud working student dahil napagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo,” dagdag pa niya.

Nagsilbing inspirasyon naman sa mga netizens ang mga kwento ni Clavio tungkol sa kanyang nakaraan.

“I just have pure respect for you Igan❤️ Inspire more!!” sabi ng isang follower ni Clavio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular