HomeCelebritiesRuffa Gutierrez, binatikos dahil sa pagmumura nito sa It's Showtime: "Sinubukan siyang...

Ruffa Gutierrez, binatikos dahil sa pagmumura nito sa It’s Showtime: “Sinubukan siyang isalba ni Vice pero di niya pa rin na-gets!”

Binatikos sa Twitter ang aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez dahil sa pagmumura nito sa gitna ng programa nila sa It’s Showtime.

Isa si Ruffa sa mga guest host ng Di Ba Teh segment ng nasabing noontime show.

Nitong Agosto 9 episode ng nasabing programa ay nag-viral si Ruffa dahil sa gitna ng pakikipagkulitan nito kay isa pang guest judge na si Kaladkaren Davila at mainstay host na si Jugs Jugueta.

Matapos ipakilala ni Kaladkaren si Ruffa kung saan ay sinabi nito na, ““Ang ganda niya daw ngayon nag-pink siya.” ay natawa nalang bigla ang aktres at sa sobrang tuwa niya ay napasambit siya ng “gaga”.

Napa ‘huy’ na lamang ang mga host ngunit tila may nagsambit pa ulit ng isa pang ipinagbabawal na salita si Ruffa.

Sinubukan naman ng isa sa mga main host ng programa na si Vice Ganda na magpalusot at sabihin na ang paboritong singer kasi ni Kaladkaren ay si ‘Lady Gaga’.

Humingi rin ng paumanhin si Vice sa mga nasambit na salita ni Ruffa at hinimok din nito ang aktres na mag-sorry.

“Masyado lang siyang happy. Mag-sorry ka na din Ruffa,” sabi ni Vice.

Agad naman humingi ng paumanhin si Ruffa at sinabi na hindi niya alam na bawal palang sabihin ang nasabing salita sa programa.

Ilang netizen tuloy ang hinimok ang It’s Showtime na palitan na si Ruffa bilang guest host.

“@itsShowtimeNa pakitanggal napo si ruffa nakakairita napo siya so much hindi snakakatuwa skskskssksksksksks,” sabi ni netizen @breeeyannaluv.

“KUNG KANINO MANG IDEA NA GAWIN ULIT JUDGE SI RUFFA SA SHOWTIME, SANA ALAM MO NA WALANG NATUTUWA SA GINAWA MO HSHSJSKSLS @itsShowtimeNa,” wika naman ni @chikarahatake.

Matatandaan na si Ruffa din ang gumaganap bilang dating First Lady Imelda Marcos sa Maid in Malacañang na inuulan din ng batikos ngayon sa Twitter.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular