HomeCelebritiesNTC, iimbestigahan ang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5: "Madami po lumabas...

NTC, iimbestigahan ang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at TV5: “Madami po lumabas na violations ang ABS”

Balak imbestigihan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nangyaring ‘partnership deal’ sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 ngayong Agosto 11 upang malaman kung may mga paglabag na nagawa ang dalawang network.

Ayon sa nasabing deal ay nag-invest ang ABS-CBN sa TV5 sa pamamagitan ng pagbili ng 6,459,393 primary common shares na magbibigay sa Kapamilya network ng 34.99 percent na total voting at outstanding capital stock sa TV5.

Pero ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ay pinapayagan lamang na magkaroon ng transaksyon ang dalawang kumpanya kung parehas silang mayroong legislative franchise at walang obligasyon na babayaran sa gobyerno.

news5

Ngunit kung susuriin ay walang prangkisa na ibinigay ang kongreso sa ABS-CBN at mayroon ding mga paglabag na nakita ang mga kongresista sa Kapamilya network.

“Kailangan po natin ito busisiin mabuti dahil madami po lumabas na violations ang ABS-CBN noong nakaraang pagdinig ng renewal ng kanilang prangkisa noong nakaraang 18th Congress na nag-resulta sa ‘di pagka-renew ng kanilang prangkisa,” ani Cordoba sa panayam sa kanya ng Radyo Pilipinas.

Kinakailangan din na makakuha ng clearance ang ABS-CBN sa BIR, BOC at SEC bago sila payagan na makipag sanib pwersa sa ibang kumpanya.

“Yun kasing prangkisa is a privilege given by the govt sa mga pribado na entities para magnegosyo sa atin sa Pilipinas, at ang gamit po nito ay mga frequencies na airwaves na pagmamay-ari ng estado. Kaya kailangan nating check at busisiin kung tama ba ang paggamit nila ng pribilehiyo na binigay ng gobyerno sa kanila pati yung frequency na pinagagamit sa kanila ng gobyerno,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular