HomeCelebritiesMga kritiko ni Robin Padilla sa Twitter, hindi makapaniwala sa isinusulong ng...

Mga kritiko ni Robin Padilla sa Twitter, hindi makapaniwala sa isinusulong ng aktor para sa same-sex union

Hindi makapaniwala ang ilang kritiko ni Sen. Robin Padilla sa Twitter dahil sa isinusulong nito na panukala upang bigyan ng pantay na karapatan ang mga same-sex couples sa bansa.

Sa house bill no. 449 o Civil Unions Act isinusulong ni Padilla ang pagbibigay pagkakataon sa mga same-sex couples na gawing legal ang kanilang relasyon.

“This representation believes it is high time that the Philippines provides equal rights and recognition for couples of the same sex with no prejudice as to sexual relationships are protected and recognized and given access to basic social protection and security,” ani Padilla sa kanyang explanatory note.

“Providing equal rights and privileges for same-sex couples will in no way diminish or trample on the rights granted to married couples,” wika pa niya.

Ilang netizens sa Twitter ang hindi maitago ang kanilang pagkagulat dahil sa hindi nila inaasahan na isusulong ni Padilla ang nasabing panukala para sa mga LGBT.

“Idk how to feel, but while Robin Padilla is out there looking unqualified for being a Senator, he’s now also one crucial vote for divorce and now same-sex unions,” sabi ni @_jmterrado.

“And let me just say, a Senator matters the most when he or she votes. Let me just put that out there. It’s the voting record that should be a testament to a legislator’s character.” dagdag pa niya.

“Waking up to the news of robin padilla filing a bill to institutionalize same-sex civil unions makes me feel a range of emotions. i really am speechless. is this happening??? of all ppl i didn’t expect him to do it,” tweet ni @zrsacc.

Wow, Divorce, Same Sex Civil Union, and Shift to Parliamentary system voiced out and filed by Senator Robin Padilla, looks like he is one of the most progressive lawmakers we have now,” wika naman ni @imshbro.

Naalala naman ng mga netizens na ang kapatid ni Padilla na si BB. Gandanghari ay isa sa mga pinakakilalang miyembro ng LGBT sa bansa.

Wala pang pahayag si Gandanghari sa desisyon ng kanyang kapatid para sa mga LGBT.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular